Saturday , November 23 2024
Alfred Vargas Nora Aunor Direk Gina Alajar Adolfo Alix Jr

Nora pinagpaplanuhan na ang pagreretiro, sobra-sobra rin ang paghanga kay Alfred

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DREAM come true para kay Konsehal Alfred Vargas na makatrabaho sina Ms Nora Aunor at Direk Gina Alajar sa pelikulang Pieta na siya rin ang magpo-produce.  Kasabay nito inamin ni Ate Guy na pinagpaplanuhan na rin niya ang pagreretiro.

Sa storycon ng pelikula na ginanap noong Biyernes sa Victorino’s Restaurant sa QC, nilinaw naman ni Direk Adolfo Alix Jr. na hindi ito remake ng dating pelikulang Pieta o ng TV series na ginawa ng ABS-CBN.

Ang pareho lamang ay ang titulo pero iba ang takbo ng istorya na ukol sa menor-edad na lalaking (Alfred) nakulong dahil napatay ang ama sa hindi malamang dahilan at nang lumaya ay binalikan ang inang bulag (Ate Guy) na may Alzheimer’s disease naman kaya walang maalala.

Sinabi ni Alfred na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nag-yes ang Superstar sa Pieta.

Unang-una, gusto kong magpasalamat sa the one and only Superstar, si Ate Guy, Miss Nora Aunor,” anang konsehal/actor.

“Dahil napasama ako sa pelikula niya at tinanggap niya itong project na ito. Noong tinanggap niya ‘yung project na ito, biglang lumaki ‘yung project. Thank you very much, Ate Guy,” sambit pa ni Alfred.

Niligawan niya si Ate Guy, ani Alfred “Nagpunta po ako mismo sa bahay niya. Para akong umakyat ng ligaw, kasama si Direk Adolf. Tapos tuwang-tuwa ako kasi napakamapili ni Ate Guy pagdating sa mga project. Eh, napili niyang gawin itong ‘Pieta’ with us.

“Second, I’d like to thank Direk Adolf Alix. Kasi concept niya ito, pelikula niya ito na nagkataon, eh, may bagay na role para sa akin. Direk, thank you, gusto naman kitang makatrabaho eversince eh, kahit noong Cinemalaya days pa.

“At least ngayon matutuloy, tapos Nora Aunor movie pa. Tapos Direk Gina Alajar pa, nandirito.

“Si Direk Gina naman po, parang I feel very close to her. Kasi ang dami ko pong workshop days na nakasama siya.

“And siya rin po ‘yung nag-workshop sa akin to prepare me for my last film before, ‘yung ‘Tagpuan,’ na napakaganda rin naman. Kaya Direk Gina, thank you very much also for being with us sa project na ito. I’m looking forward.

“At least masasabi ko po, sa career ko… dumating ‘yung panahon na sa pelikula ni Nora Aunor at Gina Alajar, ako po ang leading man!” mahabang pagbabahagi pa ni Alfred.

Samantala, natanong si Ate Guy ukol sa kanyang kalusugan  at kung hindi pa ba nito naiisip ang pagreretiro.

Inamin ng National Artist na pinagpaplanuhan na nga rin niya ang kanyang retirement pero nahihirapan siyang mag-decide dahil tiyak na mami-miss niya ang kanyang mga ginagawa, bukod pa sa hindi niya mahindian ang ilang offers lalo’t maganda iyon.

Ukol naman sa ‘pag-akyat ng ligaw’ ni Alfred sinabi ng Superstar na, “Basta ang lagi kong itinatanong kay Direk Adolf, ‘Gusto ba talaga ako ni Konsehal na makasama niya sa pelikula?’ Kasi, nahihiya ako dahil konsehal, ‘di ba?

“Nahihiya ako na baka mamaya hindi ko magawa ‘yung iniisip niya, o ‘yung ini-expect niya na maipakita ko sa pelikula.

“Gusto ko kung ano ‘yung iniisip niya kung bakit niya ako kinuha, maipakikita ko roon sa paggawa ng pelikula namin. Eh, ‘yun ang isang kinatatakutan ko at nahihiya ako na baka hindi ko magampanan masyado.”

Magsisimula na silang mag-taping this month para matapos agas at maipalabas sa Mother’s Day.

Sa kabilang banda inamin pa ni Alfred na ngayon pa lang ay inaatake na siya ng matinding kaba lalo’t isang National Artist ang makakatrabaho niya sa pelikula.

One hundred percent percent nandoon ‘yung kaba, aaminin ko. Pero ‘yung kaba, it’s the good kind of kaba. Kasi, may halong excitement.

Malaki rin naman ang paghanga ni Nora kay Alfred. Anito, napakabait kausap ng konsehal. “Kasi, talagang hindi mo iisipin na isa siyang konsehal. Ang feeling ko noon, masyado siyang mapagkumbaba.

“At napakadaling kausap, hindi ka mahihirapang kausap. Sobrang intelihenteng tao, at maunawain din po siya.

“Madali siyang makaunawa sa mga problema ng kanyang kapwa. Kaya bilib din ako kay Konsehal sa ugali na iyan.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …