Sunday , November 17 2024
Nego King Sam YG

Netizens may kakampi sa pagtawad, paghahanap ng discount kay Nego King Sam YG

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAHILIG ka bang tumawad? O mahilig sa sale? Pwes may kakampi ka na sa paghahanap ng sale at pagtawad. Dahil isang digital show, ang Nego King Philippines na ang host ay si Sam YG ang bagong handog ng Anima Studios ng Kroma Entertainment.

Ang Nego King ay isa sa pinakasikat na web variety show sa South Korea at simula sa Pebrero 8, Miyerkoles, 8:00 p.m. mapapanood na ang Nego King Philippines sa Youtube Channel ng Anima Studios at LazLive ng Lazada app.

Natanong si Sam YG kung hindi ba siya nag-atubili na may makabangga siyang mga negosyante.

Anito, “I think it’s part of it like the show explained to me. Wala, we can’t have this show kung hindi mangyayari ‘yan. I think the online entertainment or show, it had to be real. Dapat magpakatotoo ‘yung show.

“So, kung lagi tayong iiwas sa mga ganyan o sabihing ‘hindi puwede ‘yan, anong magagawa natin. At saka ang mga comment naman manggagaling sa taumbayan, hindi naman sa akin.

“Ako lang ‘yung mag-i-interview o magtatanong sa bumili halimbawa ng iPhone kung happy siya sa nabili niyang presyo o sa tingin niya puwede pang babaan?

“Kaya ang magsasabi ang taumbayan. Hndi ako ang magsasabi ng, ‘ay sobra naman ‘to (presyo). I don’t think this is worth the price.’

“I will be interviewing the people, sila ‘yung magsasabi kung baga ako lang ang messenger m,” ani Sam YG.

Sa South Korea nagsimula ang web variety show na Nego King noong Agosto, 2020 at umabot na ito sa season 4 na nagtapos noong Oktubre, 2022.

Kaya nagustuhan ito ng KROMA ANIMA at A + E Networks at dinala sa Pilipinas.

Malaking factor ang pagiging Bumbay ni Sam YG kaya siya ang napiling host ng show.

I thought it was a joke. And then eventually I found out, I watched the few episodes, and it was a very interesting show. Talagang nilalapitan nila ‘yung mga tao, ‘alam mo ba itong product na ito? Itong service na ito?

“Being Bumbay is in my blood. And I can actually nego because that is part of my blood. Kahit sa simpleng bagay, I really make sure na I really get the best deal. Lahat naman tayo ganoon, especially after the pandemic. When we want to buy something, we want to get the most out of our money,” anang host.

Ayon kay Bianca Balbuena, head ng ANIMA, “On top of our objective to wildly entertain our viewers each and every episode, we also want to reward them royally with unprecedented deals courtesy of our episode partners.”

Sabi naman ni Saugato Banerjee, Managing Director, A+E Networks Asia, “As a global IP Media Group, we’re constantly creating new formats that transcend cultures and languages. We’re thrilled to have found a like minded partner in Kroma, to bring Nego King to the Philippines. We hope our Filipino viewers enjoy the show and the great deals our Nego King secures just for them.”

Ang palabas na ito ay tiyak kagigiliwan ng Pinoy consumere na naghahanap ng mga sale, discounts, at magagandang offer.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …