Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bela Padilla Marco Gumabao Spellbound

Bela Padilla tagumpay sa pananakot, pagpapakilig, at pagkokomedya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGUSTUHAN namin ang istorya ng bagong handog na pelikula ng Viva Films na nagtatampok kina Bela Padilla at Marco Gumabao, ang Pinoy adaptation ng Korean blockbuster na Spellbound na ukol sa mahika, mga multo, at pag-ibig. Ito rin ang Valentine movie offering ng Viva.  

Kaya kung gusto ninyong kiligin, matuwa, matakot, mainlab, tamang-tama ang pelikulang Spellbound na idinirehe ni Jalz Zarate at mapapanood na simula ngayong araw, February 1 sa mga sinehan.

Muli nagpakita ng kahusayan si Bela sa kanyang galing sa acting, pero mas nagustuhan namin dito ang aktres na gumaganap bilang si Yuri. Na simula nang makaligtas sa aksidente noong high school ay nakakikita na ng mga multo. Nagpaparamdam rin ang mga multo sa mga taong malapit sa kanya kaya naman kahit ang kanyang pamilya lumayo sa kanya. Rason kasi ni Yuri mas maigi nang manatiling mag-isa sa buhay kaysa madamay ang mga mahal niya sa buhay.

Si Marco naman si si Victor, isang street magician na mapapalapit kay Yuri na naging inspirasyon niya para makabuo ng isang horror magic show na naging patok sa mga manonood.  

Kasama rin si Rhen Escaño na gumaganap bilang si Krissy, ang pinaka-aktibong multo sa buhay ni Yuri na best friend niya at naging dahilan ng pagkamatay dahil sa isang aksidente. Saan man magtungo si Yuri, nakabuntot si Krissy kaya naman kahit mga manliligaw walang tumagal kay Yuri.

Sa totoo lang nagustuhan namin ang pelikula dahil talagang na-entertain kami kahit pa may mga nakatatakot na eksena. Nagtagumpay si Bela na muling maipakita ang galing niya sa mga hugot scene gayundin sa pagpapakita ng kanyang funny side.

Paborito naming eksena ‘yung nasa isang restoran sila ni Marco na habang umiinom ay hindi sinasadyang makita ang sweet na sweet na magsyota sa kabilang lamesa. Na habang naghahalikan ay pinagagalitan niya. Talagang sumakit ang tiyan namin sa eksenang iyon sa kung paano talaga nagalit si Bela. Natural na natural ang acting   gayundin ang mga dialogue na for sure siya mismo ang gumawa. 

Kakaiba rin ang pananakot na ginawa rito na talagang mapapasigaw ka. Nasabi nga namin na kung ipinalabas iyon sa Metro Manila Film Festival 2022 tiyak tatabo iyon sa takilya.

Ang Spellbound ay ang unang tambalan nina Bela at Marco, pero naging magkatrabaho sila sa isang pelikulang isinulat ni Bela (Apple of My Love) na si Marco ang isa sa mga bida.

Ibinahagi ni Bela na ito ang unang pagkakataon na malapit sa personalidad niya ang kanyang karakter na ginagampanan. Duwag din kasi siya pagdating sa mga multo na tulad ni Yuri.

Palabas na simula ngayong araw, February 1, 2023 ang Spellbound at kasama rin dito sina Cindy Miranda at Ronnie Liang bilang love interests nina Victor at Yuri.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …