Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unbreak My Heart ng ABS-CBN at GMA kukunan sa Switzerland

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INUMPISAHAN na pala ang shooting ng kauna-unahang collaboration ng GMA Network at ABS-CBN, ang teleseryeng Unbreak My Heart.

Pagsasamahan ito nina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia ng Kapamilya Network at sina Richard Yap at Gabbi Garcia ng Kapuso Network naman.

Ilang beses nang nagkatrabaho sina Jodi at Richard noong nasa ABS-CBN pa si Richard.

Sinabi kapwa nina Jodi at Richard na komportable pa rin sila sa isa’t isa kahit magkaiba na ang estasyon nila at matagal na ring hindi nagkakatrabaho.

We are so at home with each other, it’s just the character that changes. I think this is something that will tickle their fancy because maganda ‘yung story, it’s very heart warming also tumatagos talaga sa puso ‘yung storya na ito, I’m sure the fans will like it,” ani Richard sa panayam ng ABS-CBN.

Pinaghandaan namin ito, ang dami-daming character discussions and meeting na ginawa para mas mapaganda ‘yung characters, takbo ng storya,” ani Jodi.

First time naman magkakasama at magtatambal sina Gabbi at Joshua. 

Ang dami-raming paikot-ikot na mangyayari sa show na ito and I’m excited for the viewers to see it, iba lahat,” ani Gabbi. 

Sinabi naman ni Joshua na, “Exciting talaga lalo na ito, first day actually ito parang warm-up pa lang namin ni Gabbi, ibang-iba talaga sa mga nagawa ko before sobrang mature role na siya para sa akin.”

Ang Unbreak My Heart ay mula sa ABS-CBN creative unit na Dreamscape Entertainment na siya ring nag-produce ng Ang Probinsyano, The Broken Marriage Vow, at ang umeere ngayong Dirty Linen.

Lilipad ang cast sa Switzerland anytime soon dahil doon kukunan ang ilang highlights ng serye na mapapanood ngayong 2023 sa GMA at sa 15 iba pang bansa sa video streaming service ng Viu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …