Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jane de Leon Darna

Jane sa hindi malilimutan sa Darna makinis akong pumasok, puro galos akong lalabas, nasuntok pa ako

MA at PA
ni Rommel Placente

SA finale grand media conference ng Mars Ravelo’s Darna na si Jane de Leon ang nasa title role, tinanong siya kung ano ang hindi niya malilimutan sa iconic Filipino heroine na Darna ngayong malapit na ang pagtatapos nito.

Marami po eh, many to mention. Una sa lahat, ‘yung mga taong naging parte na ng buhay ko ngayon. ‘Yung mga direktor ko, staff, tapos ‘yung mga co-artist ko,” sabi ni Jane.

Patuloy niyang sabi na natatawa, “At siyempre ‘yung mga galos ko sa katawan. Sabi ko nga, pumasok ako sa ‘Darna’ na makinis ‘yung katawan ko, lalabas ako na puro galos na ako.

“And learnings from my kuyas, ates at sa  mga direktor ko.”

Sa pagganap niya bilang Darna, sino si Darna sa puso niya?

Sagot niya, “Si Darna sa puso ko is my mom talaga. Kasi Marami siyang sacrifices na ginawa for us, for her family. At nagpapasalanat ako sa kanya dahil kung hindi sa kanya wala ako sa harapan ninyo ngayon.”

Idinagdag pa ni Jane na hindi rin niya makalilimutan ang isang eksena na nasuntok siya ng double ni Richard Quan. “Ito ‘yung first time na nasundok ako at namaga ang mukha ko,” sabi ni Jane.

Ang Darna ay mapapanood na lang sa loob ng dalawang linggo sa A2Z,Kapamilya channel, at TV5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …