Sunday , November 17 2024
Hello, Universe

Janno sinuportahan nina Ogie at Ronaldo Valdez (sa premiere night ng Hello, Universe!)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IBANG klase talaga ang pagkakaibigan nina Janno Gibbs at Ogie Alcasid dahil sinuportahan ng huli ang una sa premiere night ng pelikulang Hello, Universe! ng Viva Films noong Lunes ng gabi sa SM Megamall na dinagsa ng mahihilig sa comedy film.

Bukod kay Ogie nakita rin namin at sumuporta rin ang amang si Ronaldo Valdez na kitang-kita kung gaano ka-proud sa anak.

Sa totoo lang, may mga arte si Janno na mala-Ronaldo rin kaya panay ang sabi sa amin ng isang editor na katabi naming nanood, parang ang veteran actor din kung umarte ang komedyante.

Naroon pa rin ang magic ni Janno sa mga pagpapatawa lalo’t sinamahan pa ni Anjo Ylanna na mahusay ding magpatawa.

Maganda ang mensahe ng pelikula na idinirehe ni Xian Lim na makuntento sa kung anong mayroon ka dahil baka sa kakahanap mo ng akala mo’y ikaliligaya mo mauwi sa lalong disaster.

Binabati namin si Xian na bilang direktor ay maayos ang pagkakadirehe sa Hello, Universe! 

Ang Hello, Universe! na palabas na sa mga sinehan simula ngayong araw ay nagtatampok din kina Benjie Paras, Maui Taylor, at Sunshine Guimary

Iikot ang kuwento sa isang lalaki na hindi maka-move on sa isang pagkatalo noong high school.  Si Janno si Ariel na napangasawa ang high school sweetheart (Maui Taylor), at may anak silang mabait at hardworking na dalaga (Madelaine Red).  Nagtatrabaho siya bilang quality inspector sa isang fertilizer company, na nakararanas ng midlife crisis.  

Naniniwala kasi si Ariel na mas maganda pa sana ang buhay niya kung naipanalo niya   ang isang basketball game noong high school.  Kinaiinggitan niya ang dati niyang nakalaban na isa nang sikat at mayamang coach. Pero ang mga bagay na paulit-ulit nating iniisip minsa’y nagiging magnet at gumagawa ang universe ng paraan para makuha ito.   

Ayon kay Xian, kumuha siya ng inspirasyon sa kanya mismong karanasan bilang wannabe professional basketball player bago siya pumasok sa showbiz.

Ginawa ni Xian ang pelikulang ito hindi lamang para mag-entertain kundi ma-uplift din ang mga manonood.  Ito ang klase ng pelikula na gusto niyang panoorin.

Aniya, “I try to not look back too much sa mga regret sa buhay, just in the now…Given this opportunity to be with all these wonderful actors, ito lang muna ang focus ko…buong pagmamahal sa pelikulang ito.”  

Mula sa Viva Films, mapapanood ang Hello, Universe!  sa mga sinehan sa January 25, 2023.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …