Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Darna Viral Scandal

Darna nasa Indonesia, Viral Scandal mapappanood na sa Africa

SA pagbubukas ng taong 2023, patuloy pa rin ang ABS-CBN na maghatid ng de-kalidad na mga programa sa iba’t ibang dako ng mundo, hatid ang dalawa sa hit primetime serye nitong Mars Ravelo’s Darna sa Indonesia at Viral Scandal sa Africa.

Habang patuloy na susubaybayan si Jane de Leon bilang Darna sa Pilipinas ay napapanood na rin ng Indonesian viewers ang Bahasa Indonesian-dubbed version ng makabagong kuwento ng iconic Pinoy superhero sa free TV network na ANTV.

Sa pagtatapos ng pilot week nito, naging maganda ang pagtanggap ng Indonesian viewers sa kuwento ni Narda at mas napabilib sa kanyang unang transpormasyon bilang Darna. 

Ibinahagi rin ng ANTV chief program and communications officer na si Kiki Zulkarnain ang kanilang galak na dalhin sa Indonesia ang kuwento ni Darna, na layon ding magbigay inspirasyon sa Indonesian viewers. 

Aniya, “We have always presented programs with a narrative closely associated with the daily lives of Indonesian people. As we begin the year, we present a new genre to our viewers that tell the story of the iconic Filipino heroine Darna, which also appeals to our younger audiences as she serves as a perfect role model for them. Darna certainly makes our programming more diverse, and we hope it will not only entertain but instill values in the youth through her acts of kindness and bravery.”

Samantala, palabas na rin ang teleseryeng pinagbidahan noon nina Charlie Dizon, Joshua Garcia, Dimples Romana, at Jake Cuenca na Viral Scandal sa 41 bansa sa Sub-Saharan Africa, kabilang ang Nigeria, Ghana, Seychelles, at Ivory Coast.

Iikot ang serye sa laban ni Rica (Charlie) na makamit ang hustisya mula sa mapamantalang eskandalo na pilit sisira sa kanyang reputasyon at ng kanyang pamilya.

Ilan lamang ito sa mga programa at pelikulang hatid ng ABS-CBN sa mga manonood abroad, na nakapagbenta ng mahigit 50,000 hours ng content sa higit 50 bansa.

Kabilang sa mga itinampok na de-kalibreng programa abroad ay ang FPJ’s Ang Probinsyano, Sino ang Maysala?: Mea Culpa, La Luna Sangre, Since I Found You, Ang sa Iyo ay Akin, at The Legal Wife sa Africa, ang 2015 remake ng Pangako Sa ‘Yo sa Latin Americaang The Blood Sisters sa overseas territories ng France, at kamakailan tatlo sa primetime serye nitong Marry Me, Marry You, On the Wings of Love, at Halik sa Malaysia. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …