Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Seth Fedelin Francine Diaz

Seth inamin tunay na relasyon nila ni Francine   

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAIBIGAN ko dati, best friend.’ Ito ang mga salitang namutawi sa bibig ni Seth Fedelin nang matanong ang real score sa kanila ni Francine Diaz sa isinagawang media conference ng bagong seryeng tiyak na pag-uusapan na naman dahil pawang magagaling at bigatin ang mga bida, bukod pa sa ganda ng istorya, ang Dirty Linen na mapapanood na simula January 23, 2023 sa ABS-CBN mula Dreamscape Entertainment.

Matagal nang hot item sina Seth at Francine at lalo pang tumindi ang usapin sa kanila sa pagsasama sa pinakabagong drama series ng ABS-CBN na Dirty Linen 

“Sobrang saya kasi kaibigan ko itong si Francine, eh. Kaibigan ko, dati…” nakangiting sabi ni Seth nang matanong ang real score sa kanila ng dalaga.

“E, ngayon?” follow up na tanong ng entertainment press.

“Saka na siguro,” natatawang sabi ng binata at saka idinugtong ang, “best friend.

“Matalik kong kaibigan talaga itong si Francine. Happy ako dahil nagwo-work kami. Nagiging team kami kapag nasa set na kami. And kahit wala sa set,” sambit pa ni Seth.

Aminado ang dalawa na pressured sila kapwa sa unang pagtatambal lalo’t napakahuhusay ng kanilang mga kasama. Pero ginawa nila ang lahat para hindi mapahiya sa Dreamscape Entertainment at sa manonood.

“We wouldn’t say na sobrang lakas kasi first time po namin ito (as love team) na magkasama sa isang show. Pero siyempre grateful po kami sa love and support nila. Sobra-sobra rin ang aming pasasalamat sa Dreamscape, kay Sir Deo (Endrinal),” sabi naman ni Francine sa napakainit na pagtanggap ng fans sa tandem nila ni Seth.

Si Nico si Seth mula sa kampo nina Joel Torre, Jennica Garcia, at Christian Bables. Samantalang si Francine si Chiara, anak nina John Arcilla at Janice de Belen at kapatid ni Zanjoe Marudo.

Makakasama rin sa Dirty Linen sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo gayundin sina  Tessie Tomas, Janice de Belen, Joel Torre, Susan Africa, Nanding Josef, Soliman Cruz, at John Arcilla. Ang iba pang cast ay sinaEpy Quizon, JC santos, Christian Bables, Aubrey Miles, CJ Navato, Xyriel Manabat, Raven Rigor, Ana Abad Santos, Rubi-Rubi, at Jennica Garcia. Idinirehe ang Dirty Linen nina Onat Diaz at Andoy Ranay. Mapapanood na sa January 23, 9:30 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …