Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerald Napoles Kim Molina KimJe Gab Lagman

KimJe nag-ala Popoy at Basha

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DINIG hanggang labas ang tawanan ng mga nanonood ng pelikulang Girlfriend Na Pwede Na napinagbibidahan nina Jerald Napoles at Kim Molina sa isinagawang red carpet premiere noong Lunes ng gabi sa SM Cinema, SM Megamall.

Talaga namang hagalpakan sa katatawa ang mga nanonood dahil sa mga nakatatawang eksena. Bagamat may kung ilang beses nang gumawa ng mga comedy film ang reel at real sweethearts, naiiba pa rin ang Girlfriend Na Pwede Na na idinirehe ni Benedict Mique, handog ng Viva Films at mapapanood sa mga sinehan sa January 18.

Isang romantic-comedy movie ang Girlfriend Na Pwede Na ukol kina Pam (Kim Molina), ang girlfriend na pwede na, hindi sobra, hindi kulang, sakto lang. Isang dalagang nasa late 20s, matagal nang pangarap na i-level up sa next chapter ang buhay at magpakasal sa  longtime boyfriend na si Jiggs (Gab Lagman), pero kahit na pitong taon nang magkarelasyon, hindi iyon nagpahiwatig na mag-propose kay Pam. Hindi kasi sigurado ang binata kung si Pam na ba ang babaeng nakalaan para sa kanya. Nalaman iyon ni Pam na nainsulto at nasaktan kaya nakipagbreak sa boyfriend, pero pinagsisihan agad dahil mahal pa rin niya. 

Imbes na mag-move on, at sa tulong ng mga kaibigan, humanap sila ng perfect guy na pagseselosan ni Jiggs. Dito nila makikilala si Isko (Jerald Napoles), isang Buko Juice vendor, na sa kapalit ng malaking halaga ay pumayag na magpanggap at maging perfect boyfriend ni Pam.  Pero ang fake at pilit na relasyon ng dalawa ay magiging masayang pagsasama dahil magkasundo ang humor ni Pam at Isko, marami ring similarities ang ugali nilang dalawa.

Ang Girlfriend Na Pwede Na ay feel-good movie ni Benedict Mique na isang batikang screenwriter at filmmaker, na isa ring Gawad Urian nominated director para sa pelikula niyang ML noong 2018.

Nakatutuwa ang direksiyon ni direk Benedict na mala-Cathy Garcia-Molina ang estilo kaya naman mala-Popoy at Basha rin ang dating nina Jerald at Kim na pumapag-ibig sa matured na level. 

Mula sa Viva Films, hindi pwede ang pwede na, lalo na pagdating sa pag-ibig. Kaya panoorin ang GIRLFRIEND NA PWEDE NA ngayong January 18, 2023, in cinemas nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …