Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christine Bermas

Christine napalaban sa aktingan 

PAMBUWENA-MANONG handog ng Vivamax ang pelikula ni Christine Bermas, ang Night Bird ngayong Enero 2023 kaya naman sobrang thankful at pasalamat ang aktres kay Boss Vic del Rosario at sa kanyang manager na si Len Carillo.

Umarangkada ang career ni Christine last year na pinapurihan siya sa mga pelikulang pinagbidahan niya tulad ng Relyebo kasama si Sean de Guzman at Scorpio Nights 3 kasama si Mark Anthony Fernandez.

At ngayong 2023 na buena manong handog ng Vivamax makakasama naman niya sina Sid Lucero, Mark Anthony Fernandez, Aaron Villaflor, at Felix Roco.

Hindi basta-basta ang mga kasama ni Christine kaya bukod sa mapapalaban siya sa hubaran, mapapalaban din siya sa aktingan sa apat na kasama niya sa Night Bird.

Kasama rin sa Night Bird  ang dalawang baguhang sexy star pero palaban din, sina Chloe Jenna at Alexa Ocampo.

Iikot ang kuwento sa tatlong magkakaibigan na walang awang pinagbubugbog at ginahasa ng isang grupo ng mga adik. Dahil dito, maghihiganti ang karakter ni Christine sa malupit at mapait na sinapit mula sa kamay ng kanilang mga rapist. Hindi siya titigil hangga’t hindi nakukuha ang hustisya sa nangyari sa kanilang magkakaibigan.

Ani Christine sa isinagawang mediacon, ibang-iba ang Night Bird sa mga nagawa niyang pelikula last year sa Vivamax. “It’s very different kasi ‘Relyebo’ is serious drama while ‘Scorpio Nights 3’ is very sexy, but this one, for the first time, nag-action ako.

“Dream come true ito for me, kasi noon ko pa gusto ko talaga mag-try ng action. Mahirap pala siya kasi very physical siya,” paglalahad ni Christine kaya naman kinarir  niya ang training para sa mga action scene na kailangan  sa movie.

“We trained for one week, how to do fight routines, how to hold a knife. And on the set, we have a coach para turuan kami sa aming fight scenes.

“Nakapapagod siya kasi nga naghihiganti ako rito sa mga lalaking humalay sa amin and may fight scenes ako with all of them. Abangan n’yo kasi very exciting ang buong movie,” sambit pa ni Christine.

Ang Night Bird ay idinirehe ni Law Fajardo at mapapanood na sa Vivamax simula sa January 13, 2023. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …