Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JD Domagoso Isko Moreno

Joaquin sa pagkokompara kay Yorme — mas magaling po siya, mas pogi lang ako

MA at PA
ni Rommel Placente

BAGUHAN pa lang na maituturing sa showbiz si Joaquin Domagoso, pero bongga siya, dahil nakatanggap na agad siya ng tatlong International Best Actor award para sa mahusay niyang pagganap bilang si Knight, isang bulag sa launching movie  niyang That Boy In The Dark. Ito ay produced ng BMW8 ng kanyang manager na si Daddy Wowie Roxas.

Unang hinirang na Best Actor si Joaquin sa Toronto Film and Script Award na sinundan ng  Five Continents International Film Festival sa Valenzuela, at ang ikatlo ay sa Boden International Film Festival sa Sweden.

Sa pagkakaroon na ni Joaquin ng Best Actor trophies,  naikukompara tuloy siya sa kanyang amang si dating Manila Mayor Isko Moreno. Mas sikat ito sa kanya, pero mas mahusay siyang umarte.

“Honestly, parang hindi ako makapaniwala kasi magaling ding umarte ang papa ko, eh. Magaling po talaga siya,” reaksiyon ni Joaquin.

Dagdag niya, “And hindi ko rin po masasabi na mas may magaling sa isa’t isa. Kasi, iba po ‘yung style niya, iba po ‘yung style ko. Makikita ‘yan sa ibang artista na may kanya-kanya ng style sa pag-arte.

“Pero, mas pogi ako,” natatawang sabi pa ni Joaquin. 

Si Isko ay nagpa-sexy sa pelikula noon. Sakaling may dumating na offer sa kanya na magpa-sexy din, tatanggapin ba niya?

“I’m ready for it,” sagot niya. “But not in the future. ‘Pag ready na si Daddy Wowie.”

Nang marinig ni Daddy Wowie ang sinabing ‘yun ni Joaquin ay nagbiro siya, na sabi niya, “If the price is right.”

Ang That Boy In The Dark ay showing na sa January 8, 2023. Mula ito sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr., at sa panulat ni Gina Marissa Tagasa.

Kasama sa cast sina Lotlot de Leon, Glydel Mercado, Ramon Christopher, Nading Joseph at introducing sina Aneesa Guttierez at  Kiko Ipapo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …