Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heaven Peralejo

Heaven may trauma na sa taga-showbiz — ‘Di ko kailangan ng lalaki

MA at PA
ni Rommel Placente

NILINAW n Heaven Peralejo na walang katotohanan ang pang-iintriga sa kanila ni Ian Veneracion, na kapareha niya sa pelikulang Nanahimik Ang Gabi.

May mga nagsasabi kasi na noong ginagawa pa lang nila ang nasabing pelikula ay sweet sila kahit off-cam.

“Siguro kasi, of course, we work together, kailangan ko rin namang galingan. Siguro nadadala ko lang off screen, pero what I have for him is respect.

“Full of respect and, of course, love rin. May pagmamahal din ako kay Chief (pangalan ng character ni Ian sa NAG). He’s the best partner, what can I do, ‘di ba?” sabi ni Heaven.

Ayon pa kay Heaven, hindi siya papatol sa may asawa.

“Hindi ako ‘yung tipo ng babae na nakikipagrelasyon sa isang lalaking may pananagutan na sa buhay. Ayokong maging homewrecker,” aniya pa.

Wala pang bagong karelasyon si Heaven after nilang maghiwalay ni Kiko Estrada.

Kung sakaling papasok ulit siya sa isang relasyon, ayaw niya na ng taga-showbiz.

“I cannot, I really cannot. Na-trauma na ako, especially ako nga, personally, ayoko na ng showbiz na dyowa. Na-trauma na ako. Parang ‘di na siya nakatutuwa.

“Pero masaya ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. ‘Di ko kailangan ng lalaki.

“Ako, masaya ako sa buhay ko. Ang love life ko kasi ngayon is career ko, ‘yun ang pinagkaka-busy-han natin.

“Pero kung may darating, darating, pero kung wala, eh, ‘di wala,” diin pa ni Heaven.

Ano ba ang mga natutunan niya sa nakaraan niyang mga relasyon maia-apply niya sa susunod niyang pakikipagrelasyon?

Sagot niya, “I learned a lot. Siguro una kong natutunan, kundi talaga, ‘di talaga. Mararamdaman mo kasi ‘yun, if everyone is against it, there’s something wrong.

“Sobrang immature ko pa. Kumbaga noong mga panahon na ‘yun na I thought love is supposed to be like this, now I know much more.

“It’s supposed to be free-flowing. It gives you dapat happiness, dapat walang stress.

“’Pag binibigyan ka na ng pimples at sakit ng ulo, hindi na siya maganda, ‘di na siya nakatutulong,” saad pa ni Heaven.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …