Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas Nora Aunor Adolf Alix

Alfred Vargas kinakabahan ngayon pa lang sa pagsasama nila ni Nora

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DREAM come true kay Alfred Vargas na makasama sa pelikula ang National Artist at Superstar na si Nora Aunor. Dagdag pa na isang magaling na direktor ang magdidirehe sa kanila, si Adolf Alix Jr.

Ayon kay 5th District Councilor Alfred, first time niyang makakasama at makakatrabaho si Ate Guy. “First time ko makakatrabaho si Ate Guy and I am beyond excited!,” masayang sabi ni Alfred.

Dream come true to do a project with the one and only Superstar, Ms Nora Aunor.

Long overdue naman magka-project with direc Adolf. Before pa dapat kami nakagawa  ng pelikula hindi lang natuloy. This time, ito na,” sambit pa ng aktor/politiko.

Malaki rin ang paghanga ni Alfred kay direc Adolf. “I admire the body of work of direc Adolf at masarap siyang katrabaho. Isa siya sa mga pinakamagagaling na young directors,” sabi pa ni Alfred.

Wala pang titulo ang pelikulang pagsasamahan nina Alfred at Nora. “It’s a meaningful mother and son story na isinulat ni Gerry Gracio.

“May element na first time gagawin ni Nora in the big screen at ako naman first time ko rin sa role na ito,” sabi pa ng aktor-prodyuser ukol sa pelikila nila na isang drama at may halong action at suspense.

Magsisimula ang shooting sa first quarter ng 2023 at next year din ipalalabas. Sa ngayon ay ay nasa script develolopmeny stage pa lang sila. Meaning, usap at planning with direk Adolf. “Gusto ko ang chemistry namin nagkakaintindihan at pareho kami ng vision for the project. i know I can trust him with everything.”

Inamin pa ni Alfred na ngayon pa lang ay kinakabahan na siya sa pagsasama nila ni Nora. “Bata pa lang ako fan na niya ako. Paano kaya kung kasama mo na sa eksena? Wow! Grabe!,” naiiling na nangingiting sabi pa ni Alfred.

I met her na personally to talk about the project at napakabait at hospitable niya. Na-starstruck ako, I was just trying to act calm sa harap niya. Nagpa-picture ako sa kanya after at super happy ako,“ sabi pa ng aktor.

Samantala, sa bahay lang nila sa QC nag-celebrate ng Christmas sina Alfred at pamilya niya. “We invited our relatives here. Masarap ang Food, kanya-kanyang dala, potluck. 

Maya program din kami na kumanta ang kids kong sina Alexandra, Aryana ans Cristiano. Tuwang-tuwa lahat sa performance nila. Tingin ko mayroon sa kanilang tatlo ang mag-aartista rin tulad ko balang araw. Nakaka-proud talaga kapag nakakapagpasaya ang mga anak mo,” pagbabahagi pa ni Alfred.

At sa New Year sa bahay ng kapatid niya sa Loyola naman sila magce-celebrate magkakapatid kasama si Cong PM Vargas.

Wish niya ngayong New Year, “sana lalo kong ma-nurture ‘yung mga important relationships ko sa buhay. I realized kasi that life is about meaningful relationships talaga. ‘Yan magpapaligaya sa iyo at ang mga tunay mong kaibigan ang mag-aangat at tutulong sa iyo sa buhay. Tumatak ‘yan sa akin nitong pandemic.

“Kaya for my New Year’s resolution, iiwas na ako sa mga taong plastic at nega. Tatanggalun ko na sila sa buhay ko, ha ha ha ha,” pagtatapos ni Konsi Alfred.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …