Thursday , November 14 2024
Nadine Lustre Deleter

Deleter ni Nadine Lustre pinuri

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MUKHANG makababawi si Nadine Lustre sa pagbabalik-pelikula niya via Deleter, official entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil pinuri ang aktres at ang pelikula ng halos lahat ng nakapanood sa premiere night noong Dec 23 sa Megamall.

Taong 2019 pa ang huling pelikula ni Nadine, ang Indak na hindi masyadong tinangkilik ng publiko.  Hindi agad ito nasundan dahil nagkaroon sila ng problema ng Viva at pagkaraan ay ang Covid 19 pandemic na lahat ay naapektuhan.

At sa pagbabalik ni Nadine isang pasabog ang agad na ibinigay na proyekto ng Viva sa aktres na ayon sa direktor ng Deleter na si Mikhail Red, perfect choice ang tinaguriang Multimedia Princess. 

Lahat ng mga nakapanood ng Deleter ay iisa ang sinasabi, napakaganda ng pelikula at napakagaling ni Nadine kaya hindi malayong malakas ang laban niya bilang best actress sa darating na Gabi ng Parangal ng MMFF.

Sa isang interbyu noon kay Mikhail nasabi nitong si Nadine ang agad na naisip nila para gumanap sa Deleter“Top of mind siya talaga naisip namin and she’s a very technical actress and I like working with her because I think I always mention this sa mga Q&A but she likes films.

“She also watches a lot of horror movies so she has that taste and sophistication to kind of pull off a character like Lyra who’s very internal. Lyra as a moderator, she has to wear this mask everyday and really be almost numb to the things she sees online so it’s a difficult role because you can’t just sue your usual big dramatic techniques. It’s not like a very loud movie. It’s very internal and very mental,” sambit ni Mikhail.

Nasabi pa ni Mikhail na, “I think you need an actress that understands the craft and understand the character well to be able to control that enough to not go over the top. The nuances, it just leaks in her body language. In her eyes scanning the corners of the screen for videos that she has to delete or flag.

“She has more experience than me. Probably worked on more sets than me. As a filmmaker you’re already lucky doing more than one film a year. As an actress you’ll probably do more with other sets she’s been to and ads and all that. So she’s used to it and she understands what I need from her,” dagdag pa ng magaling na direktor.

Iginiit pa ng direktor na hindi lang talent ang mahalaga sa acting kundi kung gaano ka-challenging ang makasama sa Deleter para kay Nadine. 

“Working with the camera, it’s very tough. You’re not working with a co-actor. When you’re doing a horror movie you have a character who’s alone in the dark and then you have to scream because of the imagined entity in the same room. But in reality, when you’re in the set, you’re facing camera lights and the camera department, the grips, dolly, crafts

“So you need to be imaginative to pull off that emotion. It’s not like a dialogue scene where you’re bouncing off another person. Here, you’re staring at a technical crew and blinding lights and yet if I tell you there’s a ghost or there’s a tyrannosaurus rex, you have to imagine that. It’s tough doing thriller-horror genre. You have to imagine. Sometimes you have to imagine a CGI element. Like in fantasy movies, pretend that there’s a dragon that’s going to breathe fire, now dodge the fire.”

Sinabi pa ni direk Mikhail sa interbyu nito sa RX93.1’ All Out program na na dapat panoorin ang pelikula nilang Deleter dahil, “It’s a battle for attention spans. You’re going up against Tiktok and video games and shorter and shorter attention spans. Everything’s moving toward streaming and episodic and series para mas na-ko-control mo ‘yung viewing habits like you can binge it or you can watch it piece by piece.” 

Idinagdag pa ni direk Mikhail na mas challenging ang paggawa ng feature films. “And it’s harder to distribute feature films lalo na ngayon post-pandemic. And that’s why  I think it’s a big deal for us to get into the MMFF because it’s a good platform,” aniya.

Umiikot ang kuwento ng Deleter  sa isang ‘shadowy online content moderation office’ na ang pinakatraaho ng mga empleado ay ang pag-filter ng mga graphic upload bago ma-post sa social media platform.

Si Lyra si Nadine, cold at unattached person na perfect sa trabaho niya dahil hindi ito nakikitaan na naaapektuhan ng mga ginagawa niya o ng mga nakababahalang image ng video na inilalagay niya online. Magiging complicated ang sitwasyon nang may mangyari sa co-worker at friend niyang si Aileen (Louise delos Reyes) matapos mapaood ang isang video na ipinadala sa kanya.

Si McCoy de Leon naman si Jace, ang maghahatid ng katatawan sa gitna ng mga nangyayaring kababalaghan at katatakutan sa istorya.

Kaya kung mahilig kayo sa horror at gusto ninyong ma-excite, itong pelikulang ito ang ang tamang-tama sa inyo kaya watch na sa mga sinehan.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …