Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu

Kim keber sa billing — billing is not as important, ‘di rin naman lalaki TF mo

MA at PA
ni Rommel Placente

MASAYA ang mga tagahanga ni Kim Chiu nang makita nila sa Twitter account ng ABS-CBN Entertainmentang mga larawan at screen shots mula sa ABS-CBN Christmas Special 2022, na ipinalabas noong Linggo, na nasa sentro ng pinagsama-samang Kapamilya actresses, na binubuo ng mga bago at kilalang leading ladies at female lead stars ang kanilang idolo.

Katabi rin ni Kim ang ABS-CBN bosses na sina Mark Lopez at Carlo Katigbak.

Indikasyon daw iyon na binibigyang importansiya ng Kapamilya Network si Kim sa Christmas special.

Tweet ng isang fan ni Kim, “Finally nasa center at focal point si Kim @prinseschinita. Dapat lng naman considering her years and stature at @ABS-CBN and @starmagicphils.

Salamat nman binigyan nyo rin ng karampatang importansiya si Kim. Truly, deserving to be the Queen of @starmagicphils. Thank you po ulit.”

Ini-retweet naman ng girlfriend ni Xian Lim ang saloobing ito ng kanyang tagahanga.

Isa pang tagahanga ni Kim ang nag-tweet. Sinabihan nito ang isang Kapamilya TV production head writer.

Sabi ng fan, dapat ay maging fair ang head writer at i-consider nito ang lahat ng factors bago mag-decide sa billing such as popularity, bankability, achievement and years of service.

Pero ayon kay Kim, hindi importante sa kanya ang billing at sapat na sa kanyang may trabaho siya.

Reply ni Kim sa kanyang tagahanga, “I think billing is not as important, di rin naman lalaki TF [talent fee] mo if ikaw yun una, huli or gitna.

“Bastat may trabaho ako okay na po ako dun.

“Salamat sa ABSCBN sa mga opportunities na binibigay nila sa akin.

Nakatutuwa talaga si Kim, ‘di ba? Para siyang ang namayapang aktor na si Eddie Garcia na hindi  importante ang billing.

Pero sa pagiging sikat, dami ng achievements, at laging hataw sa rating ang mga serye na pinagbidahan ni Kim  sa ABS-CBN. Dapat lang naman at deserved niya na laging maganda ang kanyang billing, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …