Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rosmar Rosemari Tan Dingdong Dantes

Rosmar gustong maging endorser si Dingdong

MA at PA
ni Rommel Placente

ANG Rosmar Skin Essentials na ang CEO ay si Rosemari Tan ay walang endorser. Malaking tulong na rin naman na sikat na social media influencer si Rosmar para makilala ang kanyang skin clinic. 

Mayroon lang naman siyang 13million followers sa TikTok at 600k followers sa Instagram.  Kaya hindi na nga niya kailangan pa ng endorser.

Pero kung sakaling kukuha si Rosmar ng endorser, sino ang naiisip o gusto niya?

“Kung ako ang tatanungin, siyempre ang childhood crush ko na si Dingdong Dantes,” natatawang sabi ni Rosmar.

Ang Rosmar Skin Essentials ay hindi lang skin clinic para sa mga babae kundi pwede rin sa mga lalaki. Kaya naisip ni Rosmar si Dingdong. 

And in fairness naman sa aktor, bukod sa gwapo ay may maganda siyang kutis. Kaya fit siyang maging endorser ng Rosmar Skin Essentiasls.

Nakita na ni Rosmar ng personal si Dingdong.

Noong bata pa ako, 4 years old ako, may tour sa Lucena si Dingdong. Nanood ako tapos noong nakita niya ako, binuhat niya ako,” pagbabalik-tanaw ni Rosmar.

“Tapos noong sumali ang kapatid ko sa Philippine Youth, nandoon s Dingdong, nakita ko ulit siya.” 

Dahil sa kanyang Rosmar Skin Essentials, sa dami ng tumatangkilik ng mga produkto nito, kaya naman naging milyonarya agad si Rosmar sa edad na 28. Pero siyempre, kasama na rin doon ang kanyang pagsisikap.

Sa kanyang TikTok live ay nagla-live selling si Rosmar, na minsan ay umaabot sa P20-M sales sa tatlong oras na live. O, ‘di ba bongga?

Laking pasasalamat na rin ni Rosmar sa kanyang pamilya, supporters at maging sa kanyang  bashers.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …