Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dream Maker

Signal song ng Dream Maker pinuri ng mga Youtuber ng iba’t ibang bansa

UMANI ng papuri mula sa banyagang YouTube vloggers na sina Alex OhWilson ChangJeevanVolkan Dağcat iba pang content creators ang ginawang signal song ng Dream Chasers ng Dream Maker na Take My Hand na ngayon ay nakakuha na ng isang milyong online views.

Bilib na bilib nga ang mga kilalang YouTuber sa magandang camera angles at production quality ng music video pati na rin sa talento ng 62 Dream Chasers ng kauna-unahang idol survival show sa bansa.

Ang Take My Hand ang naging unang challenge sa Dream Chasers para malaman ang kanilang abilidad sa pagkanta at pagsasayaw matapos ang unang evaluations.

Samantala, nagsimula na rin ang unang misyon ng Dream Chasers na hinati sila sa 10 grupo at maglalaban-laban sa isang head-to-head challenge. Ang resulta ng kanilang unang misyon ang magiging batayan sa rankings at ang mga matatanggal sa kompetisyon.

Laging trending at maugong na pinag-uusapan ang unang idol survival show ng bansa ng ABS-CBN, MLD Entertainment, at Kamp Korea Inc mula noong ito ay inilunsad noong Nobyembre. Pinupuri ng netizens ang maganda nitong production, set, stage design, at camera work pati na ang mga sikat na Korean at Pinoy mentors.

Huwag palampasin ang unang misyon ng Dream Chasers at panoorin ang Dream Maker tuwing Sabado at Linggo, 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, and TFC IPTV. (MV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …