Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
White Christmas Snow World Manila

White Christmas sa Snow World Manila

SINASABI ngang ang pinakamabiling plaka ng isang Christmas song ay ang awiting White Christmas ni Bing Crosby, na nakapagbenta na ng milyong kopya at hanggang ngayon ay nabibili pa. Naisalin na rin iyon sa iba’t ibang salita sa buong mundo, kasi nga pangarap ng halos lahat ang “white Christmas” na nakikita nila sa cards, Christmas wrappers at iba pang may kinalaman sa Pasko.

May mga bansang walang snow, kagaya ng Pilipinas, kaya ang White Christmas ay nananatiling pangarap na lang, hanggang magbukas nga sa Star City ang Snow World, na nagbigay sa atin ng pagkakataong maranasan ang white Christmas. Pero iyan din ay nawala nang tatlong Pasko dahil sa pandemya, at ngayon muli nating mararanasan iyan.

Hindi lamang isang white Christmas, nagbabalik din si Santa Claus mula sa North Pole para makipagkita sa mga bata at mabigyan sila ng regalo. Kasama rin ni Santa sa pamamasyal sa Snow World ang

Snowman. Sa loob ng Snow World ay may coffee shop para sa mga giniginaw na. Sa labas naman ay may makikitang booth na may masarap na Chicken Rice, at ang kakaning sticky rice with mangoes, para sa isang anytime Noche Buena na magugustuhan ninyo.

Makikita rin ang naggagandahang mga parol at pailaw sa loob ng Snow World at ang 30 talampakang Christmas tree. Mas naging exciting din ang ice slide na siyang pinakamahabang man made ice slide sa buong mundo sa ngayon.

At higit sa lahat, maaari kayong magpakuha ng picture na souvenir ng inyong White Christmas sa loob ng Snow World, na ikasisiyang makita ng inyong social media friends.

 Kaya magtungo na sa Snow World sa Star City. Iyon ay bukas araw-araw sa buong panahon ng Kapaskuhan, para magbigay katuparan sa ating “white Christmas dream.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …