Sunday , December 22 2024
Chito Rivera COPA SLP Fred Ancheta TOPS
Photo caption: MGA personalidad sa swimming community sa pangunguna ni (may mikropono, pakaliwa) dating National coach/board member ng Congress of Philippine Aquatics Inc. (COPA) Chito Rivera, RSS Dolphins Swim coach Anthony Reyes, promising swimmer Nicola Diamante, 11 anyos, at Swim League Philippines (SLP) president Fred Ancheta mga naimbitang panauhin sa lingguhang talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports Inc. (TOPS) 'Usapang Sports' sa Behrouz Persian Cuisine sa Sct. Tobias, Quezon City. (HENRY TALAN VARGAS)

SLP, COPA magkaisa para sa kaunlaran ng sports

NAGKAKAISA ang mga lider ng Swim League Philippines (SLP) at Congress in Philippine Aquatics, Inc. (COPA) — dalawa sa pinakamalaki at organisadong swimming association sa bansa —  na napapanahon nang kumilos at magkaisa ang buong swimming community upang makamtan ang tunay na pagbabago at kaunlaran sa sports.

Iginiit ni COPA Board member at collegiate coach Chito Rivera, makatutulong sa pagbuo ng maayos at organisadong National Sports sa swimming ang pagsasama-sama ng lahat ng stakeholders upang marinig ang lahat ng boses at mahimay ang mga prayoridad na pangangailangan upang maisulong ang tamang programa na nakatuon sa kaunlarang ng sports at pag-angat ng kalidad ng talent ng kabataang Pinoy na maisasabay sa high-level international competition.

“Tapos na ang mga bangayan na ‘yan. Wala nang pilian ng kulay at pagkakawatak-watak. I suggest, magkaroon ng swimming Summit para lahat mapakingan at mabigyan ng pansin. Wala dapat maiwan lalo’t iisa lang naman ang gusto nating mangyari sa swimming. Let’s be sincere. Let’s step forward going to one direction,” pahayag ni Rivera, binuo ang COPA kasama ang mga premyadong pangalan sa industriya tulad nina Richard Luna, Darren Evangelista, at Olympian at nahalal na congressman ng Batangas 1st District na si Eric Buhain.

“The recent FINA decision withdrawing the recognition to the Philippine Swimming, Inc. (PSI) is a gift for the swimming community.  Pero hindi natin maitatanggi na nakalulungkot ito para sa ating bansa dahil umabot pa sa ganitong sitwasyon ang lahat para mabigyan ng daan ang pagbabago. Ngayon, patunayan natin na magagamit natin ito para sa kapakanan ng mga atleta at coaches sa swimming sa pangkalahatan,” sambit ni Rivera, head coach ng Jose Rizal College swimming squad.

Kinatigan ni SLP president Fred Ancheta ang mga tinuran ni Rivera at iginiit na patuloy na makikiisa ang kanilang asosasyon na may kabuuang mahigit 100 miyembrong club at association sa anumang magiging desisyon ng tinalagang Stabilization Committee ng FINA sa gabay ng Philippine Olympic Committee (POC).

“Mula nang mabuo ang SLP sa gabay ng namayapang Susan Papa at ng aming chairman na si Joan Mojdeh, nakatuon kami sa grassroots development program. ‘Yung politika, hahayaan po namin ‘yan sa mas nakauunawa sa mga sitwasyon. Susuportahan namin ang mga pagkilos para maisulong ang pagbabago, ngunit hindi kami bibitiw sa adhikain naming maitaas ang kalidad ng swimming sa grassroots level,” sambit ni Ancheta.

Sa mahigit isang dekadang programa, nakapag-produce ang SLP ng mga kabataan na kasalukuyang namamayagpag sa international scene tulad nina World Junior Championship semifinalist at National junior record holder Jasmine ‘Water Beast’ Mojdeh, Aminah Bungabong, collegiate phenom Hugh Parto, Yohan Cabana at Marcus DeKam.

Sa panig ng COPA, hindi lamang mga kabataang may kakayahan sa buhay ang mga napagsisilbihan bagkus maging ang mga mag-aaral sa mga pampublikong eskwelahan na libreng nakasasali sa programa na conceptualized ni Cong. Buhain.

Sa maiksing panahon, nakipagtambalan na ang COPA sa LGU’s at sa Department of Education (DepEd) para sa nationwide program ng COPA kaakibat ang coaches at teachers education program.

Ang 11-anyos na si Nicola Diamante mula sa Las Piñas at isa sa ‘Diamond Star’ na nalikha ng COPA matapos tanghaling Most Outstanding Swimmer sa bawat torneo na lahukan.

Sa kabuuan may 20 gintong medalya na maipagmamalaki si Diamante.

“Pangarap ko po na maging Olympian, kaya ngayon pa lang focus ako sa training ko at sinusunod ko ‘yung mga pograma ni coach Anthony (Reyes). Hopefully po, talagang mabigyan kami ng suporta para matupad ‘yung pangarap namin,” sambit ni Diamante na isa ring honor student sa Las Piñas Elementary School.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Ancheta na nakipagtambalan ang SLP sa ilang local government unit tulad ng Marikina, Taguig, at Muntinlupa City para mas mapalawig ang programa at mas maraming kabataan ang ma-involved sa sports.

“During the Ruffy Biazon Swim Cup, we recorded a record field of 1,200 swimmers. Nagdesisyon na si Mayor Biazon na mag-host uli ng Christmas swim this coming Dec. 10 para ma-accommodate pa ‘yung kalahati ng bilang ng mga atleta,” pahayag ni Ancheta. (HATAW Sports)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …