Friday , November 15 2024
road accident

Sa Isabela
2 KAWANI NG DA PATAY SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang dalawang empleyado ng Department of Agriculture – Cordillera nang banggain ang kanilang sasakyan ng isang kotse na minamaneho ng ‘nakainom’ na driver sa bayan ng Ramon, lalawigan ng Isabela, nitong Huwebes, 8 Disyembre.

Kinilala ng pulisya, ang mga biktimang sina Karen Briones at Addison Kyle La-ao, kapwa mga residente sa Itogon, Benguet.

Lumitaw sa imbestigasyon, lulan ng isang closed van na may kargang sako-sakong bigas ang mga biktima nang banggain ng humaharurot na Toyota Vios, bago sumalpok sa paparating na trailer truck, minamaneho ng isang Mark Andy Bago ng Solana, Cagayan.

Agad namatay ang mga biktima habang tumakas ang driver ng Toyota Vios na kinilalang si Allan Mark Barroza, 34 anyos, ng Brgy. Bugallon Norte, sa naturang bayan.

Samantala, dinala sa Southern Isabela Medical Center sa lungsod ng Santiago, ang sugatang driver ng van na kinilalang si Tommy Timoteo.

Nadakip ng pulisya si Barroza sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad at napag-alamang nakainom habang nagmamaneho.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …