Sunday , December 22 2024

Sa 2022 World Weightlifting Championships
3 GINTONG MEDALYA HINAKOT NI HIDILYN

120922 Hataw Frontpage

HINAKOT ni Weightlifting champ Hidilyn Diaz ang tatlong Gintong Medalya sa katatapos na World Weightlifting Championship.

Ito ay matapos masungkit ang gintong medalya sa women’s 55-kilogram division World Weightlifting Championship na ginanap sa Bogota, Colombia.

Tinalo ni Diaz si Rosalba Morales ng Colombia at Ana Gabriela Lopez ng Mexico matapos mabuhat ang kabuuang 207 kilogram dahilan para makuha ang tatlong gold medals sa snatch, clean and jerk at total.

Binuhat ni Diaz ang  93 kilogram sa  snatch para makuha ang unang gintong medalya sa world championships.

Sumunod na binuhat ni Diaz ang  114 kilogram para manguna sa clean and jerk.

Nakuha ni Morales ang silver medal.

Nabatid na ang Bogota world competition ay bahagi ng qualifying round ni Diaz para sa Paris 2024.

Kung saka-sakali, ito na ang ikaanim na paglahok ni Diaz sa Olympic.

Hawak ngayon ni Diaz ang record na World Champion, Olympic Champion, Asian Champion, Asian Games at Southeast Asian Games Gold medalist.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …