RATED R
ni Rommel Gonzales
BIBIDA si Bea Alonzo sa isang special episode ng ika-20 anibersaryo ng Magpakailanman sa Sabado. Ito rin ang kauna-unahang pagganap niya sa award-winning anthology.
Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Miyerkoles, sinabing gaganap si Bea sa kuwento ng isang babaeng dumaan sa ilang nakakikilabot at heartbreaking na mga karanasan.
“It’s not just a horror story, it’s also about losing a family member, it’s also about heartbreak that led to the horror part of the story. So hindi lang siya sigawan, hindi lang siya takutan, but also it’s very heartbreaking,” sabi ni Bea.
Ayon pa kay Bea, hindi madaling gampanan ang kanyang karakter dahil maraming intense at dramatic scenes.
“It talks about faith also, ‘yung kung paano natin mas mapananatiling matatag ‘yung pananampalataya natin para hindi ito mangyari sa buhay natin. This is also what I want to share with the world,” sabi ni Bea.
Idinirehe ito ni Jerry Lopez Sineneng na siya ring direktor sa Start Up PH ng aktres.
Makakasama rin dito sina Bing Pimentel at Marco Alcaraz.
Mapapanood sa Sabado, Disyembre 10, ang special 20th anniversary episode ng Magpakailanman.