MANILA — Pinatunayan ni Woman National Master Antonella Berthe Murillo Racasa na isa sa country’s young promising chess player nang magkampeon sa High School Girls Division ng Pasig Alliance of Private School Administrators (PAPRISA) chess championship na ginanap sa Niño Jesus House of Studies sa Pasig City nitong Martes, 6 Disyembre.
Si Racasa, kompiyansa sa event na tampok ang mga kabataang woodpushers ay nagposte ng perfect seven points para makopo ang titulo sa seven-round tournament na ipinatupad ang 20 minutes plus 10 seconds increment time control format.
Ang 15-anyos na si Racasa, estudyante ng Victory Christian International School, ay namayani kontra kina Charlene Alessandra Bacunawa, Aubrey Gayle De Leon, Stephanie Engles, Eloisa Jade Alcantara, Nimfa Geraldine Cacho, Eunice Busaco, at Lyanne Belle Reyes.
Kasama ang kanyang father/coach Roberto Manggaran Racasa, isang International Memory Sports champion, kilala rin sa palayaw na Tonelle sa chess world ay masisilayan sa Batang Pinoy sa 17-22 Disyembre sa Vigan, Ilocos Sur.
Lalahok si Tonelle sa GMG CHESS Open Rapid Chess Tournament sa 31 Disyembre 2022 at sa Sir Herky Del Mundo Memorial Open Rapid Chess Tournament sa 3 Enero 2023, parehong gaganapin sa second floor Open Kitchen Foodhall, Rockwell Business Center, Sheridan Street, Mandaluyong City.
Si Tonelle kasama ang kanyang father/ coach na si Roberto, 13-time Philippine Open Champion Grandmaster Rogelio “Joey” Madrigal Antonio, Jr., at National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr., ay kakatawanin ang bansa sa 2023 Bob Wade Masters and Challengers sa 13-21 Enero 2023 na gaganapin sa Howick Community Church Complex sa Auckland New Zealand. (MARLON BERNARDINO)