TINATAYANG higit sa P12-milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa dalawang magkahiwalay na sunog sa lungsod ng Cebu nitong Linggo, 4 Disyembre.
Naganap ang unang sunog pasado 1:00 am sa Brgy. Mambaling, hindi bababa sa 150 bahay ang naabo.
Umabot ng higit dalawang oras bago tuluyang naapula ng mga pamatay sunog ang apoy.
Ayon kay Fire Officer 3 Emerson Arceo, imbestigador ng Cebu City Fire Office, tinatayang nasa P3.7 milyong ari-arian ang natupok dito at 300 pamilya ang apektado.
Dagdag ni Arceo, lumalabas sa paunang imbestigasyon na nagsimula ang sunog matapos sumabog ang isang e-tricycle na naiwang naka-charge sa isang bahay.
Samantala, sumiklab ang pangalawang sunog pasado 10:00 am sa Brgy. Dapdap na tumupok sa dalawang commercial buildings at puminsala ng isa pa.
Ani Arceo, agad naapula ang sunog bago pa kumalat sa iba pang mga estbalisimiyento at tinutukoy pa kung saan ito nagsimula.