Friday , November 15 2024

Kuweba sa Kalinga gumuho minero natabunan, patay

HINDI nakaligtasang isang 35-anyos minero nang matabunan sa kinaroroonang kuweba sa Sitio Magadgad, Brgy. Galdang, bayan ng Pasil, lalawigan ng Kalinga nitong Linggo, 4 Disyembre.

Kinilala ng Pasil MPS ang biktimang si Milnar Wa-il Bag-ayan, 35 anyos, binata, at residente sa nabanggit na barangay.

Ayon sa pulisya, pumasok ang minero sa “minahan ng bayan” dakong 3:00 pm noong Sabado, 3 Disyembre, ngunit bigong lumabas at makabalik sa kanilang kampo hanggang 6:00 am, kamakalawa.

Nagtulong-tulong ang kanyang mga kasamahan upang mahanap si Bag-ayan na natunton sa loob ng kuweba sa ilalim ng mga gumuhong bato.

Agad iniulat sa pulisya ang insidente kasunod ng pagkuha sa labi ng biktima.

Sinubukang sagipin ng doktor mula sa rescue team si Bag-ayan ngunit tuluyan nang binawian ng buhay.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …