Friday , November 15 2024
road traffic accident

Sa Cagayan
MAG-ANAK, KAPITBAHAY PATAY 8 SUGATAN SA 3 SASAKYANG NAGBANGGAAN

BINAWIAN ng buhay ang tatlong magkakaanak at kanilang kapitbahay habang sugatan ang walong iba pa, sa banggaang sangkot ang dalawang tricycle at isang sports utility vehicle sa National Highway, bayan ng  Gonzaga, lalawigan ng Cagayan, nitong Sabado ng gabi, 3 Disyembre.

Kinilala ng PRO2 PNP ang mga biktimang sina Donato at Marineth Barsatan ng Brgy. Malumibit Sur, Flora, ang kanilang 7-anyos anak na lalaking hindi pinangalanan, at kapitbahay na si Velvet Geron.

Samantala, sugatan sina Mencho Soriano, 22 anyos, at Lean Lei Pascua, 26 anyos, kapwa taga-Brgy. Ipil; Reymark Puli, 24 anyos; Marvie Barsatan, 35 anyos; Liam Clyde Barsatan, 4 anyos; Mark Jansen Barsatan, 9 anyos; Xian Kurt Barsatan, 8 anyos; at Guillian Joe Torres, 8 anyos, pawang mga residente sa Brgy. Baua, parehong sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Ayon sa ulat ng Gonzaga PNP, nagkabangaan ang SUV na minamaneho ni Rodolfo Batin, 56 anyos, at ang dalawang tricycle na may lulang mga pasahero dakong 11:00 pm kamakalawa.

Sugatan ang lahat ng mga pasahero ng dalawang tricycle na dinala sa pinakamalapit na pagamutan.

Idineklarang dead on arrival sa Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital sa Brgy. Smart, Gonzaga sina Donato at ang kanyang kapitbahay na si Velvet, pumanaw ang kanyang asawang si Marineth habang nilalapatan ng lunas.

Samantala, binawian din ng buhay ang kanilang anak sa pinaglipatang ospital.

Sumuko sa pulisya si Batin, driver ng SUV driver, na residente ng Brgy. Arellano, bayan ng Quezon, lalawigan ng Isabela.

Nahaharap si Batin sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries and damage to property.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …