BUMIGAY ang bahagi ng isang kalsada sa Brgy. Dela Paz, sa lungsod ng Batangas, nang humina ang pundasyon nito dahil sa patuloy na paghuhukay para sa itinatayong power plant nitong Martes, 29 Nobyembre.
Ayon sa imbestigasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH), bumigay ang pundasyon ng kalsada sa ilalim nito at rumagasa ang tubig mula sa dagat patungo rito.
Samantala, hindi nagpaunlak ng pahayag ang pribadong kontraktor at ang kinatawan ng kompanyang may hawak sa proyekto ngunit nakikipag-ugnayan na umano sila sa DPWH at sa lokal na pamahalaan para sa pagsasaayos ng bumigay na kalsada.
Gayondin, nagbigay ng alternatibong ruta para sa mga motorista habang hindi pa naisasaayos ang kalsada.