ni Marlon Bernardino
MANILA — Nakaungos sa tie break points si Ronnie Sebastian ng Talavera, Nueva Ecija para magkampeon sa 1st Jacinto Y. Bustamante Open Chess Tournament na ginanap sa SM Megacenter sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong 27 Nobyembre 2022.
Si Sebastian ay nakisalo sa first-second places kay Jerry Areque na kapwa may tig 6.5 points sa 10 minutes + 3 seconds delay time control event na inorganisa ni Mr. Benjamin Bauto ng Cabanatuan City Chess Club.
Dahil sa mas mataas na tiebreak points ay nakopo ni Sebastian ang titulo, trophy at top purse P5,000 habang nagkasya si Areque sa second place para maiuwi ang medal plus runner-up purse P3,000.
Tumapos si Joselito Dela Cruz ng third place na may 6.0 points para maibulsa ang P2,000 plus medal.
Ang mga nakapasok sa top 12 na may tig 5.0
points ay sina Carlo Lucas (fourth), Edgar Bugtong (fifth), Joseph Ocampo (sixth), Jeremy Ramos (seventh), Jonathan Alindogan (eight), Era Bauto (ninth), Johnny Guerrero (tenth), Ferdie Bugay (eleventh) at Samuel Mateo Jr. (twelve).
Simula na ang pagpapatala ng Richard Ocampo Rapid chess tournament sa 18 Disyembre 2022 na gaganapin sa 3rd/F SM Megacenter sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.