Friday , November 15 2024
road accident

Bumangga sa barrier
11 PULIS SUGATAN SA TUMAOB NA PATROL CAR

SUGATAN ang 11 pulis nang sumalpok ang kanilang patrol car sa isang concrete barrier saka tumaob sa Brgy. Caningay, bayan ng Candoni, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Lunes, 28 Nobyembre.

Kinilala ang mga nasugatang alagad ng batas na sina Pat. Jerome Tolentino, Pat. Joey Bana-ag, Pat. Erick Abela, Pat. Immam James Apucay, Pat. Jared King Dadivas, Pat. Bryan Ambajan, P/Cpl. Mark Jil Salazar, P/Cpl. John Arevalo, P/Cpl. Noriel Vergara, P/Cpl. Kenneth Valiao, at P/Cpl. Regie Tacdoro, pawang nakatalaga sa 604th Company ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB)-6.

Lumabas sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol sa manibela si Apucay habang binabagtas ang pababang bahagi ng pakurbang kalsada sa nabanggit na barangay.

Ayon kay P/Maj. Ruel Culanag, hepe ng Candoni MPS, bumangga ang sasakyan sa isang barrier saka tumaob.

Dinala sa pagamutan ang 11 sugatan sa 16 pulis na lulan ng nasabing sasakyang pampatrolya.

Ani Culanag, nagsasagawa ng road security at routinary inspection ang mga pulis nang maganap ang insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …