Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ms L's Beauty & Wellness Corp 

Dating make-up artist may sarili nang negosyo at kompanya 

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKAUSAP namin ang isa sa owner ng Ms. L’s Beauty & Wellness Corp na si Miss Loiegie Dano Tejada sa blessing ng main office nito sa Westria Residences 77 West Avenue. 

Ipinaliwanag niya kung bakit naisipan niyang magtayo ng ganitong klase ng business na pampaganda at para sa kalusugan.

Sabi niya, “Kasi this is my passion. Nagkaroon tayo ng kaunting pangarap dito sa industry natin.

“Eversince noong bata pa ako, isa sa mga goal ko na magkaroon ng ganitong klase ng business para rin doon sa mga kababaihan na gustong magpaganda, na hindi naman ganoon kamahal ‘yung price namin. Affordable ito ng lahat.”

Isa rin ba sa rason ay dahil mahilig siyang magpaganda?

Oo mahilig din,” sagot niya.

Pero noong bata ako, hindi ako nakabibili ng make up at saka ng mga doll,” natatawang sabi pa niya.

Natutuwa si Miss Loiegie na ngayon ay kayang-kaya niya nang bumili ng mga gusto niya dahil nga may business na siya, na so far, ay okey naman ang kinikita.

Ayon sa isa pang owner ng Ms. L’s Beauty & Wellness Corp na si Miss Leslie Intendencia, kung maiisipan nilang kumuha ng endorser, ang gusto niya ay si Marian Rivera.

Si Miss Loiegie naman, ang gusto niya ay si Ivana Alawi.

Pero alam niya na malabong mangyari ‘yun dahil may ineendoso na ang sexy star na gaya ng kanilang business.

Bukod kay Miss Loiegie at Miss Leslie, ang tatlo pa sa owners ng Ms. L’s Beauty & Wellness Corp  ay sina Mr. Gerry Gascon at Mr. Benjardi Reguero.  

Si Miss Loiegie at Miss Leslie ay parehong nagsimula bilang make-up artist. At bongga dahil mahuhusay silang make up artist, dahil nag-aral sila ng pagme-make-up sa Thailand, Indonesia, at Malaysia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …