Sunday , December 22 2024
Vitaliy Bernadskiy Manny Pacquiao Chess

Vitaliy Bernadskiy, unang foreign Grandmasters sa Manny Pacquiao International Open Chess Festival

MANILA — Pangungunahan ni Russia’s Super Grandmaster Vitaliy Bernadskiy (Elo 2615) ang foreign-based grandmasters (GM) sa Manny Pacquiao International Open Chess Festival sa 13-17 Disyembre 2022 na gaganapin sa Family Country Hotel sa General Santos City.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang foreign players ay magtutungo sa City of Gensan, kilalang Tuna Capital of the Philippines para sa FIDE-sanctioned international chess tournament.

Ang 28-anyos na si Bernadskiy ay nagkampeon sa Grandiscacchi Festival Primavera Cattolica tournament nitong 16-20 Marso 2022 sa Cattolica, Italy.

Masisilayan din sa susunod na buwan sina GM Gaburzyan Hovhannes (Elo 2586) ng Armenia, GM Vitaly Sivuk (Elo 2568) ng Ukraine, at Tee Wee Zhun (Elo 1908 ) ng Malaysia.

Kasamang tampok sina Filipino International Master Kim Steven Yap (Elo 2373) at National Master David Elorta (Elo 2265) na rerenda sa long list ng top Pinoy woodpushers na magdedepensa sa Filipino pride.

Inorganisa ng Maharlika Pilipinas Chess League (MPCL) na may total pot prizes $100,000 o P4.2 milyon ang nakataya sa five-day event na inaasahan ang participation mula sa 100 players sa Open division at 180 participants sa side events.

“For five days, General Santos will be the chess center of the world and we look forward to hosting the tournament of brilliant minds,” sabi ni boxing icon at dating senator Emmanuel “Manny” Pacquiao na mag si-celebrate ng kanyang 44th birthday sa final day ng tournament.

Nagpasalamat si Pacquiao kina President Ferdinand Marcos, Jr., Philippine Sports Commission chairman Noli Eala, at National Chess Federation of the Philippines chairman/president Rep. Prospero Pichay, Jr., sa pagsuporta sa nasabing chessfest.

Nakataya sa open event ang cash pool na P3.4 milyon na ang P1.14 milyon ay makokopo ng magkakampeon habang ang total P800,000 ay nakalaan sa side event na ang eventual titlist ay tatanggap ng P300,000.

Ayon sa mga organisador na sina IM Hamed Nouri at Alex Dinoy, ito ay isa sa maraming torneo na pinaplanong organisahin ng MPCL. Sa katunayan ay nagpaplano na sila sa pagdaraos ng tatlong international tournaments sa susunod na taon.

“We are truly convinced that the MPCL will become a truly global festival of chess,” sabi ni Pacquiao.

Bukod sa magkakampeon, ang top 20 finishers ay makatatangap ng prize kasama ang best category winners para sa kiddies (under-14), ladies, juniors (under-20), seniors (60-above) at top local players mula General Santos City. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …