Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
itak gulok taga dugo blood

Sa Laguna <br> LALAKING NANAGA NASAKOTE

ARESTADO ang isang lalaki sa isinagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad nitong Lunes, 13 Nobyembre, sa bayan ng Siniloan, lalawigan ng Laguna dahil sa insidente ng pananaga.

Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO, ang suspek na si alyas Aldrin, residente sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat ng Siniloan MPS, tumawag ang isang concerned citizen sa kanilang himpilan upang ipagbigay alam ang nangyaring insidente ng pananaga sa Brgy. Mayatba, sa naturang bayan dakong 12:30 pm kamakalawa.

Agad itong nirespodehan ng Siniloan MPS at sa tulong ng nagsumbong na residente ay nahuli ang suspek sa Brgy. Macatad.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Siniloan MPS ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong Frustrated Murder.

Pahayag ni P/Col. Silvio, “Sa tulong ng mga mamamayan at sa mabilis na aksiyon ng Laguna PNP ay naaresto agad ang suspek kaya ako ay nagpapasalamat sa inyo sa pagtulong ninyo sa amin upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lalawigan ng Laguna.” (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …