RATED R
ni Rommel Gonzales
HINDI na kami magtataka kung si Juancho Trivino ang magiging bestman sa kasal nina Thea Tolentino at pilotong boyfriend ng aktres na si Martin San Miguel.
Si Juancho kasi ang tulay o bridge sa dalawa; magkabigan sina Juancho at Miguel (na parehong taga-Laguna) at si Juancho ang nagpakilala kina Thea at Miguel na ngayon ay isang taon na ang relasyon.
Pero ayon kay Thea, wala pa sa plano nila ni Miguel na magpakasal.
Ini-enjoy muna nila ang boyfriend/girlfriend status nila at pareho pa rin naman silang abala sa kani-kanilang career.
Masigla na muli ang ekonomiya ng travel kaya abala si Miguel sa pagpapalipad ng eroplano ng PAL Express at si Thea naman ay si Dahlia sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters sa GMA.