Friday , November 15 2024
Boy Palatino Photo KELOT ARESTADO SA ILEGAL NA DROGA

Sa ikatlong pagkakataon
KELOT ARESTADO SA ILEGAL NA DROGA

NASAKOTE sa ikatlong pagkakataon sa ilegal na droga ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Seguna Pulo, sa bayan ng Lumban, lalawigan ng Laguna, nitong Martes ng madaling araw, 8 Nobyembre.

Kinilala ang suspek na si Mark Anthony Mercado, huli sa aktong nagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa police poseur buyer na tauhan ng Lumban MPS.

Nakompiska kay Mercado ang limang sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 0.40 gramo at nagkakahalaga ng P3,500, basyo ng sigarilyo, timbangan, isang rolyo ng aluminum foil, dalawang stick na kawayan, lighter, gunting, isang glass tube, bag na kulay asul at itim, P500 marked money, at P200 hinihinalang drug money.

Ayon Kay P/Capt. Ed Richard Pacana, OIC ng Lumban MPS, pangatlong beses nang naaresto ang suspek kaugnay sa pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Lumban MPS Custodial Facility upang harapin ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …