Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joel Lamangan Sa Kanto ng Langit at Lupa

Direk Joel nahulog sa tulay sa location hunting

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AYAW o hindi gumagawa ng pelikula sa labas si direk Joel Lamangan pero dahil kaibigan niya ang producer ng 3:16 Media Network na si Len Carillo, tinanggap niya ang Sa Kanto ng Langit at Lupa na ire-release sa Enero 2023.

Katunayan, paglalahad ni direk Joel mahirap gawin ang pelikulang idea mismo ni Len ang istorya at dinevelop nina Ma-An L. Asuncion-Dagnalan at kabiyak na si Michael pero hindi niya matanggihan si Len.

Nahulog pa nga ako sa paghahanap ng location para sa shooting kasi nga gusto ni Len sa ilalim ng tulay eh ang hirap-hirap mag-shoot sa ilalim ng tulay lalo na kapag tag-ulan,” katwiran ni direk Joel.

Samantala, napag-usapan sa story conference ng pelikula ang pagiging istrikto at kinatatakutan si direk Joel. 

Anang award winning director, “Natatakot ang mga artista na hindi gumagawa ng kanilang katungkulan sa shooting ko. Unang-una tanga. ‘Yun ang pinakamahirap dahil walang cure. Kapag ang artista nagkukunwari na alam niya, ‘yun ang tanga. Pinapagalitan ko.

 “Mabuti nang sabihin nila na ‘direk hindi ko alam ituro po ninyo’ at sasabihin ko. Pero kung take 24 na, siyempre magagalit ka na. Siyempre magagalit din ang producer dahil madadagdagan ang taping, ang shooting. 

Pangalawa, ‘yung mga artistang may call time ng 8: 00 a.m. pero darating ng 12 noon. May iba pa darating ng 4:00 p.m. Magagalit na ako niyon at hahabulin ko sila ng saksak. Swelduhan din ako roon pero kailangan kong i-control sila.

Kung mahusay ka, sasabihin ko naman ‘ang galing mo or ang husay mo.’ Pero kung hindi ka naman mahusay at hindi ka professional, makakatikim ka sa akin,” pangangatwiran pa ng direktor ukol sa pagiging istrikto niya.

Sinabi pa ni direk Joel na bago naman siya mag-umpisa ng shooting ay kinakausap muna niya ang mga artista at sinasabi niya ang mga dapat gawin at kung ano ang hindi dapat gawin ng mga ito.

Magbibida sa Sa Kanto ng Langit at Lupa sina Sean de Guzman, Marco Gomez, Royce Cabrera, Quinn Carillo, Rob Guinto, Jiad Arroyo at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …