Sunday , December 22 2024
Boy Palatino Photo Baril, granada nasabat 2 arestado sa Laguna

Baril, granada nasabat 2 arestado sa Laguna

NADAKIP ng mga awtroridad ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng baril at granada sa ikinasang buy-bust operation sa lungsod ng Cabuyao, lalawigan ng Laguna, nitong Martes ng madaling araw, 8 Nobyembre.

Sa ulat kay P/Col. Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna PPO, kinilala ang mga suspek na sina Jessie Gan at Franie Falle, kapwa mga residente sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa Cabuyao CPS, nagsagawa ang ga operatiba ng buy-bust operation dakong 1:56 am kahapon kung saan nasakote ang mga suspek sa Brgy. San Isidro.

Nakompiska kay Gan ang isang kalibre .45 pistola, anim na live ammunitions, at boodle money, habang nasamsam kay Falle ang isang granada at itim na sling bag.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Cabuyao CPS ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Pahayag ni P/Col. Silvio, “Makaaasa po kayo na mas paiigtingin pa po ng Laguna PNP ang mga operasyon sa loose firearms dahil maaaring kumitil o bumawi ng buhay ng isang tao at maaring gamitin sa iba pang krimen.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …