Tuesday , November 26 2024

Sa Sultan Kudarat
GURONG CARTOONIST PATAY SA TAMBANG 

110622 Hataw Frontpage

HINDI NAKALIGTAS sa kamatayanang isang guro matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Brgy. Pasandalan, bayan ng Lebak, lalawigan ng Sultan Kudarat, nitong Sabado ng gabi, 5 Nobyembre.

               Kinilala ng pulisya ang biktimang si Benharl Kahil, 34 anyos, award-winning cartoonist, guro,  at coordinator ng special program in the arts ng Lebak Legislated National High School.

Kilala si Kahil sa paglikha bgn caricature dahil sa kanyang mga komentaryong panlipunan at adbokasiya laban sa disimpormasyon sa pamamagitan ng kanyang sining.

Ayon kay P/Lt. Col. Julius Malcontento, hepe ng Lebak MPS, sakay si Kahil ng kanyang motorsiklo pauwi ng kanyang bahay nang tambangan pasado 10:00 pm kamakalawa.

Pinagbabaril ng mga suspek si Kahil nang ilang beses saka siya tinapos sa pagpapaputok sa kanyang ulo.

Dagdag ni Malcontento, patuloy ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa insidente.

Bukod sa pagiging guro sa pampublikong paaralan, nakilala si Kahil dahil sa kanyang mga iginuhit na editorial cartoon.

               Nagwagi ang isa sa kanyang mga obra sa 3rd Pitik Bulag’s Tagisan Editorial Cartoon Contest (senior category) ngayong taon.

Nagtamo ng unang karangalan ang kanyang obra tungkol sa karapatan ng mga kababaihan sa iChange Komiks, habang pangalawa ang kanyang obra tungkol sa karapatan ng mga bata.

Noong 2020, nanguna si Kahil sa 1st Pitik Bulag Online Exhibition and Contest (open category), at pumangatlo sa 1st Pitik Bulag Tagisan Editorial Cartoon Contest noong 2021.

Kabilang ang Pitik Bulag sa inisyatiba ng #FactsFirstPH laban sa disimpormasyon sa pamamagitan ng visual arts partikular gamit ang komiks at editorial cartoon.

About hataw tabloid

Check Also

Neri Colmenares Duterte ICC

Sa madugong gera kontra droga  
KASONG KRIMINAL vs DUTERTE PATULOY NA ISUSULONG SA ICC — NUPL

INIHAYAG ni dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na ipagpapatuloy nila ang paghahain ng …

FPJ Panday Bayanihan Brian Poe Llamanzares

FPJ Panday Bayanihan nominee Brian Poe nanawagan sa mas berdeng Filipinas

NANAWAGAN si Brian Poe Llamanzares, nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, na magtulungan para sa …

23 lumabag sa batas timbog sa Bulacan

23 lumabag sa batas timbog sa Bulacan

NASAKOTE sa walang humpay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng ang 23 indibidwal na …

PNP PRO3 Solar-powered blinker police outposts stations

Police visibility, accessibility pinaigting ng PRO3
Solar-powered blinker ipinalagay sa lahat ng police outposts at stations

SA PAGPAPAIGTING ng police visibility at accessibility, naglabas ng direktiba si PRO3 Director P/BGen. Redrico …

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …