Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maja Salvador

Maja ‘di nahirapan sa pagbabalik-Kapamilya: Na-miss ko gumawa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Richard Gutierrez na matagal nang planong magsama sila ni Maja Salvador subalit hindi iyon natutuloy. At pagkalipas ng ilang taon at maintriga si Maja sa ginawang paglipat sa ibang network, nagbabalik ang aktres sa ABS-CBN, kasama si Richard para sa  The Iron Heart.

Makakasama nina Richard at Maja sa The Iron Heart sina Sue Ramirez, Jake Cuenca, Dimples Romana, Baron Geisler at marami pang iba.

Ani Maja sa pagbabalik-Kapamilya, hindi naging mahirap sa kanyang tanggapin ang offer ng Star Creatives kahit special participation lamang siya sa The Iron Heart.

Madali lang ako napapayag. Of course, it’s under Star Creatives. Ang dami ko na nagawang magagandang shows sa Star Creatives, ‘Legal Wife,’ ‘Bridges of Love,’ iba ‘yung alaga sa akin ng Star Creatives family,” sambit ni Maja sa isinagawang media conference para sa nasabing hard action series.

Huling napanood si Maja sa The Killer Bride ng ABS-CBN.

Sinabi rin ni Maja na tinanggap niya ang serye dahil maganda ang role at first time niyang makakatrabaho si Richard. May show sana silang gagawin noon pero hindi matuloy-tuloy.

Hindi siya bago sa akin pero sobrang importante ito because it’s ABS-CBN. Ang ABS-CBN ay ang maganda gumawa ng teleserye. Na-miss ko gumawa ng isang love story,” pag-amin pa ng aktres.

Sa kabilang banda, nagpapasalamat si Richard na tinanggap ni Maja ang proyekto.

Eksakto ‘yung timing ng pagpasok ni Maja. We couldn’t be happier to have her onboard. We’re very thankful kay Maja na tinanggap niya,” sabi ni Richard.

Mapapanood simula Nov. 14 ang The Iron Heartsa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …