Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew Gan Kathryn Bernardo

Andrew Gan, bilib sa KathNiel tandem

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY sa paghataw ang showbiz career ng guwapitong aktor na si Andrew Gan.

Kabilang sa upcoming projects niya ay ang mga pelikula under AQ Prime Stream like Upuan and Taong Grasa, plus movie under Mavx Production titled I love Lizzy.

Pero sa ngayon napapanood si Andrew sa top rating TV show ng ABS CBN na 2 Good 2 Be True na tinatampukan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

First time naka-work ni Andrew ang KathNiel at nabanggit niyang iba talaga ang lakas ng hatak ng kanilang TV series.

Aniya, “Yes po, kaya nang ini-offer sa akin ‘yung role, hindi na ako nagdalawang isip.

“At siyempre, KathNiel is KathNiel. Solid na iyan and grateful ako kasi iba ang naging dating ng show na ito sa akin. Kapag nasa public tinatawag nila akong Jomari dahil iyon ang name ko sa show.

“So, roon ko napatunayan na iba talaga ang hatak ng show na ito,” sambit ni Andrew.

Anong klase silang katrabaho?

Esplika ni Andrew, “Sobrang magaan and totoong tao po sila. Mas more on si Kathryn ang nakakakuwentohan ko dahil madalas kaming magkasama sa eksena.

“Si Kath is very genuine and very sincere na tao. Sobrang sarap kausap si Kath lalo na kapag about sa life and business. Ramdam na ramdam mo iyong pagiging totoo niya na napakahirap mahanap dito ngayon sa showbiz.

“And si Kath kapag kausap mo, talagang nakikinig siya sa iyo. Nakatatak sa utak niya ‘yung mga napagkuwentohan n’yo and ‘yung nangyari sa moment na ‘yun.

“Naalala ko ang first taping day ko, nag-order siya ng chicken, siyempre bilang first time ko sila makilala, inalok niya ako pero tumanggi ako kasi nahihiya ako. Then noong next cycle ng lock-in taping namin after one month na, nag-order ulit siya, then naalala niya na hindi ako kumain noong first time, Hahaha!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …