Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Hiwalayan ng KathNiel totoo…sa serye at ‘di sa totoong buhay

MA at PA
ni Rommel Placente

USAP-USAPAN na hiwalay na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa finale presscon kasi ng serye nila, maraming nakapansin na hindi sila sweet unlike noon na kapag magkasama ay laging magka-holding hands.

Pero ayon sa mommy ni Daniel na si Karla Estrada, walang katotohanan na nagkanya-kanya na ng landas ang KathNiel.

May isang netizen kasi ang nagtanong sa kanya, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, tungkol sa hiwalayan ng KathNiel, na ang sagot niya ay walang katotohanan.

Tanong ng netizen published as it is, “Tita Karla please enlighten us na hindi totoo na break ang KathNiel or may problem sila po. May naglalabasan po kasing mga comments sa TikTok dahil lang sa pagsabi ni Dj na si Summer and definition ng pinaka loyal niya.”

At ang reply ni Karla: “WALANG KATOTOHANAN!!!” 

So, ayan siguradong matutuwa ang mga tagahanga nina Daniel at Kathryn dahil mariin ngang itinanggi ni Karla na hiwalay na ang dalawa.

At totoo ngang sina Kathryn at Daniel pa rin. Noong opening kasi ng bagong business ni Kathryn noong October 28, Friday, na isang boutique resort sa El Nido Palawan ay  sinamahan siya ni Daniel nang magpunta siya roon. 

Ang alam namin sa isang episode ng seryeng 2 Good 2 Be True ng dalawa nagsabi si Kathryn na makikipag-break kay Daniel. Posibleng dito nagsimula ang tsikang hiwalayan ng dalawa na totoo naman, sa serye nga lang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …