Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
JM de Guzman Donnalyn Bartolome

JM haling kay Donnalyn: Sobrang bait, responsible

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY mga nagsasabi na may namumuong relasyon kina JM de Guzman at Donnalyn Bartolome matapos mag-organize ng surprise birthday party ang huli sa una.

Nagdiwang ng kaarawan si JM noong September 9. At noong October 5, ipinost ni JM ang mga larawang kuha sa okasyon, kalakip ng pasasalamat niya sa lahat ng mga dumalo, lalo na kay Donnalyn.

Pero sa panayam namin kay JM, sinabi niya na magkaibigan lang sila ni Donnalyn. Pero aminado siya na gusto niya ito at nagpaparamdam na siya rito.

“May gusto ako sa kanya. Isa niya akong tagahanga,” sabi ni JM.

Nanliligaw na ba siya kay Donnalyn?

“Nagpaparamdam,” pag-amin ni JM.

Mukhang may maaasahan naman si JM kay Donnalyn base na rin sa effort ng dalaga na paghandaan ang birthday ng Kapamilya actor.

Ganoon lang talaga siya, eh. Ganoon lang talaga.”\

Ano ba ang tunay na estado ng relasyon nila ni Donnalyn at paano sila nagkakilala?

“We’re very close friends. Nagkasama kami sa Probinsyano Partylist,” sagot ni JM.

Maraming magagandang katangian si Donnalyn kaya nagustuhan siya ng aktor.

“Sobrang bait, intelligent, sobrang headstrong, wise, responsable, and independent,” paglalarawan pa niya kay Donnalyn.

Samantala, may ginagawang serye ngayon si JM na Linlang mula sa Dreamscape ng ABS-CBN. Kasama niya rito ang Diamond Star na si Maricel Soriano gayundin sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

“First time ko makakatrabaho si Paulo. Si Kim nagkasama na kami sa movie, sa teleserye first time. Si Ms. Maricel first time rin.”

Dahil Linlang ang title ng serye nina JM, kaya tinanong namin siya kung nalinlang na ba siya sa larangan ng pag-ibig?

“Oo naman,” pag-amin niya. “Siyempre ipapasa-Diyos mo na lang. Mahirap gumanti. Mahirap magtanim ng sama ng loob. Move on lang.”

Well, sino kaya sa mga naging girlfriend ni JM ang nanlinlang sa kanya?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …