Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Noli Eala 2022 BATANG PINOY NATIONAL CHAMPIONSHIPS PSC

Eala, Singson lumagda sa MOA
2022 BATANG PINOY NATIONAL CHAMPIONSHIPS KASADO NA SA ILOCOS SUR SA DISYEMBRE 

PORMAL na nilagdaan ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Jose Emmanuel “Noli” Eala at Province of Ilocos Sur Governor Jeremias “Jerry” Singson ang memorandum of agreement (MOA) para sa pagtatanghal ng 2022 Batang Pinoy National Championships nitong nakaraang Huwebes sa PSC Conference room sa Rizal Memorial Sports Complex, Maynila.

Ang multi-sports grassroots program ng PSC ay nakatakda sa 17-22 Disyembre 2022 sa Vigan, Ilocos Sur.

“I am very honored na kasama natin ngayon si Gov. Jerry Singson. Ang 2022 Batang Pinoy National Championship ay talagang magiging kauna-unahang major PSC-organized competition sa ilalim ng aking panunungkulan at kaya naman labis kong ikinararangal na gawin ito sa lalawigan ng Ilocos Sur kung saan nanggaling ang mga Ealas,” ani Eala.

“Isang karangalan at pagmamalaki naming mag-host ng Batang Pinoy 2022 at ang Lalawigan ng Ilocos Sur ay nasasabik nang ipahayag ko na sa wakas ay magho-host na kami ng Batang Pinoy. Nagpapasalamat po ako kay Chairman Eala that he accepted and chose us to host Batang Pinoy 2022. Malaking bagay po ito sa amin because through sports, makikilala na naman po ang Ilocos Sur and hopefully mabubuhay muli ang aming ekonomiya at turismo,” saad ni Gov. Singson.

Dumalo rin sa ceremonial signing sina PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy, Jr., Province of Ilocos Sur Executive Assistant, Atty. Jannah Singson, Provincial Administrator Marlon Tagorda, Special Assistant to the Governor in Sports Jester Singson at PSC Regional Coordinator Edwin Llanes.

“Talagang ipinagmamalaki ko na sa wakas ay babalik na ang Batang Pinoy National Championship sa Probinsiya ng Ilocos Sur na magho-host ng kompetisyong ito ay isang malaking hakbang tungo sa pagsulong ng ating grassroots program at pagsisimula ng grassroots program sa Philippine Sports Commission,” diin ni Eala.

Unang pagkakataon ito na babalik sa aksiyon ang Batang Pinoy National Youth Games pagkatapos ng COVID-19 pandemic.

Makatutulong ito sa mga student-athletes at out-of-school youth na may edad 10-15 anyos, na nagmula sa 81 probinsiya at 144 lungsod sa buong bansa.

May kabuuang 17 sports ang kasama sa programa ngunit siyam lamang – archery, athletics, badminton, chess, cycling, table tennis, swimming, weightlifting, at obstacle course racing (demonstration) ang paglalabanan sa face-to-face competitions.

Isasagawa bilang virtual contests ang walong disiplina tulad ng arnis, dancesport, judo, karate, muay, pencak silat, taekwondo at wushu.

May kabuuang 1,995 medalya – 600 ginto, 600 pilak at 795 tanso – ang nakataya sa 6 araw na sportsfest.

Tinatayang 7,000 ang delegado na kinabibilangan ng mga atleta, coaches, at mga opisyal, ang inaasahang lalahok sa centerpiece program ng PSC para sa grassroots sports. (HATAW Sports)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …