Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nash Mendoza Sahara Cruz

Nash Mendoza at Sahara Cruz Darling of the Press sa Cosmo Manila King & Queen 2022

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA ang naganap na press presentation ng Cosmo Manila King & Queen 2022 na ginanap noong Linggo ng gabi. Ang producer kasi nito, ang international model, actor, producer, at philantrophist na si Marc Cubales ay namudmod ng pera.  

Ang early birds sa press na dumalo sa event ay tumanggap ng P1,000 each, na isa kami roon. At may pa-raffle na cash at appliances. 

Bukod pa rito, after ng mediacon ay may pa-binggo na dalawang beses ang block out. Ang unang nanalo ay tumanggap ng P15K, at ang ikalawa naman, ang prize ay P10K. 

O ‘di ba, ito lang ang press presentation na may pa-binggo! Kaya naman masayang umuwi ang lahat ng invited press.

Among the male and female candidates, ay bumoto ang entertainment press ng kanilang Darling of the Press. At ang itinanghal na winner, na nakakuha ng pinakamaraming boto ay sina Nash Mendoza at Sahara Cruz. Sila ay tumanggap ng P20K each bilang premyo.

Ang Cosmo Manila King & Queen 2022 ay gaganapin sa November 5, 2022 at SM Skydome North Edsa. To be hosted by Michael Bristol, Joy Barcoma, and John Nite. Special guests are Paul Salas, Kris Lawrence,  Sex Bomb New Gen and Batang Mama. Ang show ay magsisimula ng 7:00 p.m..

Ang Cosmo Manila Queen 2022 official female candidates ay sina Jane Usison, Khat Gonzales, Claire Ramos, Sahara  Cruz, Ver Johansson, Aya Valdez, Jannah Garcia, Milka Gonzales, Anita Gomez, Arianne  Villareal, Jasmine Benigno Castro, Airah Graciela, Dimpol Ortega, Mae Burgos, Neah Cassandra  Aguilar, Morena Carlos, and Deberly Bangcore.

Ang male official candidates naman ay ang mga sumusunod: Hawkin Madrid, Paul Jiggs Venturero, David  Soledad, Christian Villarin, Nash Mendoza, Aaron Moreno, John Zafe, Simon Abrenica, Hanz Vergara, Jovy Angel, Ivan Bonifacio, Ronie Palermo, Curt Del Rosario, RJ Absalud and Allen Ong Molina.

Abangan sa November 5 kung sino ang kokoronahang Cosmo King & Queen 2022.

Tickets are available at SM Tickets. For more details, call CP#s 09667088434 and 09602533903

Part of the proceeds of the show goes to Cosmo Foundation: Gintong Palad & Balikatan Foundation. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …