Friday , November 15 2024
Hand, Foot, and Mouth Disease HFMD

Pagkalat ng HMFD pinigilan sa Batangas
KLASE MULA SA NURSERY HANGGANG GRADE III SUSPENDIDO SA 7 BARANGAY 

IDINEKLARA ng alkalde ng bayan ng San Pascual, sa lalawigan ng Batangas ang suspensiyon ng mga klase sa pitong barangay mula 18 hanggang 21 Oktubre upang mapigilan ang pagkalat ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD).

Napag-alaman mula kay municipal administrator Atty. Sherwin Gardner Barola, 100 estudyante mula sa pitong barangay ang nahawaan ng HFMD at 56 sa kanila ang nilalagnat.

“As a proactive response, field investigation is being conducted by the Rural Health Unit San Pascual in coordination with DepEd (Department of Education) San Pascual to immediately trace HFMD cases, prevent its complications, and reduce transmission of infection through health awareness and health education campaigns,” pahayag ni Mayor Antonio Dimayuga sa kanyang Executive Order No. 27 na inilabas nitong Lunes, 17 Oktubre.

Ayon sa EO No. 27, kailangang pansamantalang isuspendi ang mga klase para sa isolation, reporting, at monitoring ng mga kaso at makapagsagawa ng disimpektasyon at imbestigasyon.

Kabilang sa mga barangay na kasama sa suspensiyon ng klase ang Pook ni Kapitan, Pook ni Banal, Resplandor, Natunuan North, Antipolo, Mataas na Lupa, at Sambat dahil sa tumataas na bilang ng HFMD sa mga lugar na may naitalang magkakalapit na kaso.

Samantala, hinimok ng alkalde ang mga pampubliko at pribadong paaralan na maglinis at magdisimpekta ng kanilang mga pasilidad sa loob ng panahon ng suspensiyon.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang HFMD ay isa sa mga pangkaraniwang nakahahawang sakit na madalas tumama sa mga bata sa pamamagitan ng direktang contact sa mga secretion gaya ng laway mula sa mga taong tinamaan nito.

Kabilang sa mga sintomas ang lagnat mula 24 hanggang 48 oras, masasakit na singaw sa bibig, pantal at mga paltos sa mga kamay, mga paa at puwitan.

Pinayohan ng Department of Health ang publiko na mahigpit na sundin ang kalinisan sa katawan gaya ng madalas na paghuhugas ng kamay upang maiwasang mahawa.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …