Friday , November 15 2024
Stab saksak dead

Dahil sa matinding selos
65-ANYOS LIVE-IN PARTNER SINAKSAK SA HARAP NG 2 ANAK

PATAY ang isang 65-anyos babae nang saksakin ng kanyang kinakasama dahil sa matinding pagseselos sa harap ng kanilang dalawang anak sa bayan ng Isabela, lalawigan ng Negros Occidental nitong Lunes, 17 Oktubre.

Kinilala ang biktimang si Digna Bordago, 65 anyos, residente sa Sitio Kalubihan, Brgy. Camang-Camang, sa nabanggit na bayan.

Ayon kay P/Capt. Joseph Partidas, hepe ng Isabela MPS, umalis ng kanilang bahay ang biktima kasama ang dalawang anak na babae at lalaki upang magtanggal ng damo sa taniman ng tubo.

Lingid sa kaalaman ng biktima, sinundan sila ng kanyang kinakasamang kinilalang si Fredo Camacho saka siya biglang sinaksak sa dibdib.

Agad namatay ang biktima habang dagling tumakas ang suspek at iniwan ang dalawang bata sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon sa kanilang mga kaanak, hindi nag-aaway ang dalawa ngunit isang beses na nag-alaga ng kanyang apo si Bordago sa bahay ng kanyang anak ay nagalit si Camacho.

Pinaniniwalaang nagseselos si Camacho sa asawa ng kanilang anak na babae.

Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad si Partidas upang papanagutin sa ginawang krimen.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …