Friday , November 15 2024
dead gun police

Sa Calasiao, Pangasinan
NIGERIAN TODAS SA PAMAMARIL

BINAWIAN ng buhay ang isang Nigerian national matapos barilin ng mga suspek na sakay ng kotse habang naglalakad sa Brgy. Mancup, bayan ng Calasiao, lalawigan ng Pangasinan, nitong Sabado, 15 Oktubre.

Kinilala ng PRO-1 PNP ang biktimang si Christopher Clark, 32 anyos, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Malabago, sa naturang bayan.

Ayon sa paunang ulat ng pulisya, naglalakad sa gilid ng highway ang biktima dakong 1:15 am kamakalawa nang bigla siyang hintuan ng isang kotse saka ilang beses pinagbabaril ng mga sakay nito.

Agad namatay ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan habang nakatakas ang mga suspek.

Ayon sa asawa ng biktima, may tumawag sa kanyang mister sa cellphone kaya umalis patungong Brgy. Mancup kung saan siya pinagbabaril.

Narekober ng mga awtoridad ang pitong basyo ng bala ng hinihinalang kalibre .45, isang depormadong bala, at isang bala na pinaniniwalaang mula sa kalibre 9mm.

Nagpapatuloy ang dragnet at hot pursuit operation na ikinasa ng pulisya upang masukol ang mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …