Friday , November 15 2024
bagyo

Malawakang pagbaha dulot ng bagyong Nene
23,000 INDIBIDWAL INILIKAS SA CAGAYAN

SUMAMPA sa 22,794 katao o nasa kabuuang 6,731 pamilya ang inilikas sa probinsiya ng Cagayan dahil sa malawakang pagbaha bunsod ng hagupit ni bagyong Neneng.

Ayon kay Cagayan PDRRMO Chief Ruelie Rapsing, nasa 17 munispalidad at 86 barangays ang apektado ng pagbaha.

Kabilang sa mga bayang lubog sa baha ang Ballesteros, Lal-lo, Camalaniugan, Aparri, Buguey, Santa Ana, Lasam, Baggao, Santa Teresita, Gattaran, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Gonzaga, Abulug, Allacapan, at Calayan.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig, walang tigil ang ginagawang force evacuation ng mga awtoridad.

Ani Rapsing, may mga tulay at mga daan ang hindi pa rin passable hanggang sa ngayon partikular sa bayan ng Rizal, Sta. Teresita, Baggao, Buguey, Santa Ana, Claveria at Allacapan.

Dagdag niya, walang naitalang casualties matapos manalasa ang bagyong Neneng maliban sa isang 34-anyos lalaki na sumemplang habang nakasakay sa bisikleta dahil sa madulas na daan.

Tiniyak ni Rapsing na sapat ang mga pagkain na ipinamamahagi ng LGUs sa mga bakwit.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …