ITINUTURING na isang karangalan ni Mayor Cesar Areza na maging “kapatid” ng lungsod ng Haeundae-gu, South Korea ang bayan ng Pagsanjan, sa lalawigan ng Laguna.
Sinalubong ng alkalde nitong Martes, 11 Oktubre, ang mga opisyal ng Haeundae-gu na sina Kang Jinsu, Sen Sungwon, Kim Sungsoo, at Choi Myounjin para sa pulong na ginanap sa CLA Mall kaugnay sa “Haeundae-gu – Pagsanjan Sisterhood.”
Sa pulong, ipinaabot ni Mayor Areza ang kanyang pasasalamat sa mga dumating na opisyal. (BOY PALATINO)