Monday , November 18 2024
itak gulok taga dugo blood

Inuman sa lamay nauwi sa isa pang paglalamayan
KUYA TINAGA NG KAPATID, DEDBOL 

BINAWIAN ng buhay ang isang 26-anyos magsasaka matapos tagain ng nakababatang kapatid nitong Lunes, 10 Oktubre, sa bayan ng Basey, lalawigan ng Samar.

Kinilala ang biktimang si Erwin Padoc at kanyang kapatid na suspek na si Merwin Padoc, pawang mga residente sa Brgy. Bulao, sa nabanggit na bayan.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nag-iinuman ang magkakapatid sa burol ng isang kaanak nang magsimula ang kanilang mainitang pagtatalo hanggang tagain ng suspek ang kanyang kuya gamit ang mahabang patalim na tila espada, tumama sa kaliwang balikat at puwitan ng biktima.

Dinala si Erwin sa Basey District Hospital ngunit inilipat sa Eastern Visayas Regional Medical Center kung saan siya namatay habang nilalapatan ng lunas.

Samantala, nagsagawa ang mga tauhan ng Basey MPS ng hot pursuit operation upang masukol ang tumakas na suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …