MANILA — Sa pakikipagtulungan ng JC Premiere Marikina Business Center ay magsisilbing punong abala ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa pagdaraos ng Rapid Invitational Chess Tournament ngayong Biyernes, 30 Setyembre, dakong 9:30 am, gaganapin sa PEZA main office, Double Dragon Center West Building, DD Meridian Park, Diosdado Macapagal Blvd., sa Pasay City.
Kabilang sa mga imbitadong kalahok sa Group A sina Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio, Jr., Grandmaster Darwin Laylo, International Master Angelo Abundo Young, at International Master Petronio Roca, habang babandera sa Group B sina Fide Master Alekhine Fabiosa Nouri, Fide Master Robert Suelo, Jr., National Master Jasper Faeldonia, at Candidate Master Genghis Imperial.
Ang magkakampeon sa Group A ay tatangap ng P10,000, 2nd place ay P7,000, 3rd place ay P4,000, at 4th place ay P3,000.
Ang top four prizes sa Group B ay P7,000, P5,000, P4,000 at P3,000.
Ipapatupad ang time control format na 15 minutes plus 5 seconds increment ayon kay Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Officer-In-Charge Director General Mr. Tereso “Theo” O. Panga.
Ang Tournament Director ay si Bayanihan Chess Club founding president National Master at United States chess master Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr., habang ang assistant ay sina National Master Romeo Alcodia, at Noel Jay “Super B” Estacio. (MARLON BERNARDINO)